Nami's POV
Binuksan ko ang locker ko sabay pasok ng mga libro na ginamit namin kanina. Hinawakan ko ang parte ng ulo kong may nakapalibot na tela. Napabuntong hininga na lamang ako. "Kasalan mo naman 'yan eh." Sabi ko nang biglang nagpatay-sindi ang ilaw.
Natigilan ako at napatingin sa paligid. Wala ibang estudyante sa loob, nakapagtataka dahil sa oras na ito ay madami na dapat ang tao dito dahil Break Time. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba mula sa likuran ko. Parang may nakatingin sa akin.
Dahan-dahan akong napatingin sa likuran ko at laking gulat ko ng makita ang isang babae na ang mga paa'y nakatapak sa kisame. Agad akong nakatakbo palayo sa locker ko at dumiretso sa exit ngunit hindi pa man ako nakakarating ay sinalubong niya ako. Bigla akong nawalan ng balanse at umatras palayo.
"Huwag kang lalapit." Natatakot na sabi ko. Mas nanlaki ang aking mata ng mapagtanto kong wala na akong iaatras pa. Hindi ko mapigilang maluha nang bigla siyang lumuhod at itinapat ang kanyang mukha sa akin. Nakita ko ang kanyang nakakapanindig balahibong ngisi, ang naagnas niyang balat at dugong umaagos sa kanyang mukha na animo'y sariwa pa.
Napapikit na lamang ako at sumigaw sa sobrang takot ko. Naramdaman ko na may humawak dahilan para mas lalo akong mapasigaw sa takot. "Pakiusap! Layuan mo ako!" Nanginginig na pakiusap ko, nagbabakasakaling mawawala siya sa harap ko pagdilat ko.
"Nami!" Tawag nito sa akin. Agad akong napadilat dahil sa nakilala ko kung kaninong boses ito. "What happened? Why are you screaming?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin ng may pag-aalala.
"W-wala." Sagot ko sabay tayo at bumalik sa locker ko.
Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "You can't fool me. You saw a ghost, didn't you?" Hindi ko siya pinansin at itinuon lang ang pansin sa locker ko. Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko kanina. Narinig ko siyang napabuntong hininga. "Anyway, how's your wound?" tanong niya at naglakad sa locker niya na medyo malayo sa akin.
Napansin kong kami lang ang tao dito kaya tahimik at kahit 'di ko siya nakikita ay naririnig ko ang boses niya. "Kapag aksidenteng natatamaan ay sumasakit pero okay naman na ako. Salamat sa pagtanong." Sagot ko sa kanya.
"That's good then." Aniya. Paalis na ako ng locker room nang muli niya akong tawagin. Humarap ako sa kanya at hinintay ang kanyang sasabihin. "What did really happened last week?" Tanong ni Steffany na ngayo'y seryosong nakatingin sa akin.
"Hit and run." Sagot ko naman sa kanya.
Napairap siya at napa-iling. "Tsk. That bastard should be in prison for committing a crime and just leaving you there."
"Hayaan mo na. Buhay pa rin naman ako eh." Natatawang sabi ko.
"Whatever. You still got into accident and that person needs to pay for that." Sabi niya naman habang nakacross-arms.
Napangiti na lamang ako sa kanya. "Sige, mauna na ako. Annyeong." Paalam ko tsaka naglakad palabas ng locker room.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?