Nami's POV
Bago umuwi sa unit ko ay naisipan ko munang dumaan sa unit ni Rara. Nasabi naman na niya sa akin ang number ng unit niya. Nasa tapat na ako ngayon ng kanyang unit at nagdoorbell. Ilang segundo din ay binuksan niya na ang pinto. "Deuleooseyo." nakangiting sabi niya at pinapasok ako sa loob. {E/T: Come in.}
Nilibot ang aking paningin sa kanyang unit. Inaasahan ko nang makakakita ako ng mga kulay pink na gamit dahil paborito niyang kulay iyon. Umupo ako sa sofa habang siya ay kumuha ng pagkain at inilapag sa center table. "Musta school?" sabi niya at sumubo ng isang cookie.
"Ok lang." Sabi ko at kumuha din ng cookie tsaka sinubo ito sa bibig ko.
"Sure ka? Baka naman may nangyaring maganda." Sabi niya habang tinataas-baba ang kanyang kilay. Biglang bumalik sa isip ko yung nangyari sa school library. Bigla kong nalunok ang cookie na hindi ko nangunguya ng maayos.
"T-tu-bi-g." sabi ko at umubo dahil nabulunan ako.
Agad na tumakbo si Rara sa kusina at bumalik na may dalang isang baso ng tubig. Iniabot niya ito sa akin kaya kinuha ko at agad na ininom. "Bago mo kasi lunukin, nguyain mo muna. Nabulunan ka tuloy." Sabi niya habang napapa-iling. Nakahinga ako ng maluwag ng makainom na ako ng tubig at pinatong ang baso sa center table. "So, ano nga? May nangyari bang maganda?" pang-iintriga niyang tanong.
"Wala." Sagot ko sa kanya kaya napanguso siya.
"Edi wag." pagtatampo niya dahil hindi ako nagkwento.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ako umalis at bumalik sa unit ko. Pagpasok ko ay naabutan ko sina Eomma at Appa na nag-aayos na ng kanilang mga gamit. Bukas na kasi sila babalik sa Incheon. Lumapit ako sa kanila at bumati.
"Annyeong Eomma, Appa." Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi.
"Dahil andito ka na, kumain na tayong lahat." Sabi ni Eomma kaya dumiretso kami sa hapag-kainan.
Tahimik lang kami habang kumakain. Tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang iyong maririnig. "Mimi." Tawag nila sa akin.
Nalulungkot lang ako dahil uuwi na ulit sila bukas at mahihiwalay na naman ako sa kanila. Pero hindi ko kailangang mag-inarte dahil ako rin naman ang may gusto na mag-aral dito. "Bogo sip-eulgeoya." Inunahan ko na silang magsalita. {E/T: I will miss you.}
Narinig ko naman silang tumawa. "Ang drama mo, anak. Isa pa kailangan na naming bumalik sa Incheon dahil hindi namin pwedeng iwanan ang bahay at negosyo natin." Sabi ni Appa. "Tapos uuwi ka lang din naman sa semestral break at bakasyon." Mas lalo akong napanguso tsaka bumalik sa pagkain.
***
Gusto ko sanang ihatid sila Eomma at Appa sa terminal, kaya lang alas otso ang umaga ang kanilang alis at may klase din ako. Nag-paalam na ako sa kanila at mahigpit silang niyakap bago dumiretso sa SCU. Kasama ko ngayon si Rara dahil ngayon ang unang araw ng pagpasok niya. Akala ko nga sa susunod na araw pa pero nag-request siya sa Dean dahil ayaw niyang mabulok sa loob ng unit niya.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?