Mamayang alas dose ay bagong taon na. Noon sinusunod ng marami sa Korea ang Lunar Calendar pero ngayon may mga tao na din na sumusunod sa Solar Calendar, katulad namin. Huling araw na ngayon ng Disyembre at magkakasama kami ng pamilya namin pati ang Fam dito sa bahay ng lola at lolo ni Sam Oppa.
Simple lang naman ang naging selebrasyon noong pasko na kasama ang pamilya ko sa bahay. Nabusog nga ako kakakain ng Christmas Cake na ginawa ni Eomma. Sa ilang araw din naming pananatili dito sa Incheon ay hindi kami masyadong nakakapaglakad o nagsasaya dahil gumagawa kami lahat ng thesis namin na sa Pebrero ang final defense at pasahan.
Madalas kaming nasa laboratoryo ni Jaehwan dahil kailangan namin. Individual ang thesis pero dahil magkalapit lang din naman ang tema ng aming pananaliksik ay nagsasabay kami para pumunta sa laboratoryo dito sa lugar. Dalawang araw ang selebrasyon ng Bagong Taon dito sa Korea (tatlong araw naman kapag Lunar Calendar ang ginagamit) kaya hindi ka mabibitin.
"Mimi, kaja." Tawag sa akin ni Rara kaya tumango ako at pumasok na rin sa loob dahil nasa labas ako para magpahangin.
Pagsapit ng alas dose ay lumuhod kaming lahat at ginawa ang Sebae (pormal na pagyuko ng mga nakakabatang miyembro ng pamilya para sa mga nakakatanda) habang lahat kami nahirapan dahil lahat kami nakasuot ng hanbok. Pagkatapos ay kumain na kami. Madami ang inihanda at sa tingin ko ay mabubusog na naman ako.
"Ito ang unang beses na nagdiwang kami ng bagong taon kasama kayo. Nakakatuwa." Nakangiting sabi ng lola ni Sam Oppa.
"Halmeoni, 'wag kayong mag-alala. Sa susunod pipilitin ko nang isama sina Eomma at Appa tsaka kung hindi din busy yung mga magulang ng Fam para marami-rami tayo." Tugon naman ni Sam Oppa.
"Magkasya pa kaya tayo niyan?" Nakakunot noo namang reklamo ni Connor sa kanya.
"Wag mong nang isipin 'yan. The more the merrier."
Pagkatapos ng kainan at kwentuhan ay nagbigay kami ng mga wishes para sa isa't-isa tsaka lumabas dahil may hinanda daw ang mga lalaki na surprise para sa aming mga babae at mga nakakatanda. Naghintay naman kami sa labas, maya-maya ay bumalik na ang iba sa kanila.
"Ano bang surprise tinutukoy niyo?" Tanong ko kay Dylan.
"Basta. Hintayin niyo lang." Tumango naman ako tsaka naghintay kasama ang iba.
Ilang minuto na ataang nakalipas pero wala pa rin nangyayari. Napatingin kami sa kanilang mgabumalik ng may pagtataka. Napakamot naman ng noo si Walter. "Ano bang nangyayari doon?" Tanong niya sa iba na napakibit balikat lamang.
"Guys, at least, make sure that your surprise woul---" Hindi na natapos ang sasabihin ni Steffany nang biglang sumigaw si Sam Oppa mula sa malayo.
"Pasensya na. Nagkaroon ng kaunting deperensya. Tumingin lang kayo sa taas!" Sigaw niya kaya naman napatingin naman kaming lahat langit.
Maya-maya ay nagkaroon ng fireworks display. Napangiti kaming lahat at namangha sa nakita. Ito pala ang surprise nila. Akala naman namin kung ano. Pero ang ganda ang ginawa nilang display. Pinaghanda talaga nila iyon.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?