Nakatingin lamang si Steffany sa binata nang may nag-aalalang ekspresiyon sa mukha. "Now, what?" Sabi pa nito at napabuntong hininga na lamang. Nakatingin lamang sa malayo ang binata habang malalim ang iniisip. "We need to stop them. Have your parents told you about this?"
"No." Sagot naman nito sa kanya. "I'm surprised about the engagement too."
"What should we do now?" Namomoblemang tanong ni Steffany habang pinipigilan ang sarili na guluhin ang kanyang buhok. Mahal ang binayad nila para maayos iyon.
"Let's think about it first. For the mean time, we need to go back inside." Sabi ng binata dahil naisip niya na baka hinahanap na sila sa loob. Tumango naman ang dalaga at sabay silang bumalik sa loob ng venue kung saan ginaganap ang party.
Ilang linggo na ang lumipas at ganoon na din katagal na pinag-iisipan ng dalawa kung ano ba ang dapat nilang gawin. Kinausap na kasi nila ang kanilang mga magulang pero walang nangyari. Hindi pumayag ang ina ni Steffany at hindi naman makatanggi ang binata sa kanyang mga magulang.
Nang makarating sila sa Incheon ay may napagtantong isang bagay si Steffany at maaari niya itong gawin para hindi na matuloy ang magaganap na engagement. Alam niyang hindi sila para sa isa't-isa at may gustong babae ang kanyang kababata. Ayaw niyang maging hadlang dito dahil ngayon lang nila nakita si Nathan na magkagusto sa isang tao.
"Hey." Tawag ni Steffany sa binata na ngayon ay nagpapahinga sa may dalampasigan. Ngumiti ang binata sa kanya kaya umupo naman siya sa tabi nito. "Why are you not playing?"
"I was. Just resting." Sagot naman nito kaya tumango si Steffany.
"Steff, sumali ka sa laro!" Sigaw ni Dylan sa kanya na ngayon ay naglalaro ng beach volleyball kasama ang iba.
"Oo nga, Noona!" Sigaw din ni Connor na muntik nang matamaan ng bola sa kaunting segundong paglingon niya kina Steffany at Nathan.
"Wait!" Sigaw ni Steffany pabalik at tumingin sa kanyang katabi. "I already have a plan. I have no choice but to do it."
Napakunot naman ng noo ang binata. "What are you thinking?"
Ngumiti lang sa kanya ito. "We'll talk about it later."
"Don't do anything stupid." Seryosong sabi ng binata sa kanya.
Natawa naman sa kanya si Steffany. "Don't just sit there. Ask Nami to join us." Pagpalit nito ng usapan at kumindat muna bago tumayo at tumakbo papalapit sa iba pa nilang kaibigan.
Napatingin siya sa kanyang likod at nakita niya ang dalaga na kausap ang mga matatanda at parang nagkakatuwaan. Tumayo siya para sana sabihan ito na sumabay sa kanila.
"Mimi!" Tawag ni Rara habang tumatakbo papalapit sa dalaga
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?