Chapter 25 - Until We Meet Again

522 39 4
                                    

Nami's POV


Nakarating kami bago magsimula ang pangatlong schedule. Ayaw nilang dumaan sa entrance dahil mapupunta daw kami sa detention. Napilitan tuloy akong umakyat sa bakod na nasa likod ng campus para hindi kami mahuli. Hinintay naming matapos ang pangalawang schedule bago kami nagpaalam sa isa't-isa at dumiretso sa klase na parang walang nangyari.


Kasama ko ngayon si Jaehwan sa Cafeteria upang kumain ngayong break time. Masyado akong naka-pokus sa kinakain kong chabssal yaggwa. Ang sarap kasi ng kukis na ito. "Hindi ko ata nakita si Rara ngayon." Sabi ng taong nasa tapat ko.


Natigilan ako sa pagsubo ng kinakain ko. Hindi ko mapigilang ngumiti ng nakakaloko. Napansin niya ang reaksyon ko kaya agad na kumunot ang kanyang noo. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"


"Ayiee~ Hinahanap niya si Rara." Pang-aasar ko sa kanya.


"Aniyo. Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?" sabi niya sabay kagat ng kinakain niya. Napa-iling naman ako sa sinabi niya.


"Tanong ka diyan. Statement kaya yung sinabi mo." Sabi ko habang pinipigilan ang sariling tuamwa. Ipinatong ko muna ang pakete ng pagkain ko sa mesa tsaka inilapit ang ulo ko ng kaunti sa kanya. "Sabihin mo nga sa akin, anong tingin mo kay Rara?" 


"Mabait, magand---Teka nga, ba't mo ba tinatanong." Sagot niya sa akin. Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa narinig ko. Huli ka, Jaehwan.


"Hindi 'yon pumasok kasi hindi siya makalakad ng maayos. Ang laki kasi ng pasa niya sa dalawa niyang tuhod." Sabi ko sa kanya at nagsimula na ulit kumain.


Nakita ko naman siyang tumango bago muli ring kumain ng snack niya. "Sinabihan ko na kasing lagyan ng hot compress." Bulong niya kaya napatingin akong muli sa kanya.


"Anong sinabi mo?" tanong ko sa kanya.


"Huh? May sinabi ba ako?" sabi niya na medyo nagulat pa dahil nahuli ko siya.


"May sinabi ka! May dapat ba akong malaman?" pangi-intriga kong tanong.


Napabuntong-hininga naman siya. "Nakita ko si Rara na nahulog sa hagdan kahapon. Sinabihan ko siya na lagyan ng hot compress yung tuhod niya pero mukhang hindi niya ginawa dahil ayon nga sa sinabi mo, malaki yung pasa niya."


Aba, may hindi kinikwento ang matalik kong kaibigan sa akin. Papa-aminin ko siya mamaya. "Ginawa niya. Sadyang mataas lang kung saan siya nahulong. 'Wag ka mag-alala gagaling din 'yon. Sabi niya sa akin bukas na bukas ay makakapasok na siya." Sabi ko sa kanya at ngumiti/


Tumango naman siya at ngumiti pabalik sa akin. Naubos na namin pareho ang kinakain namin. Tumayo na ako para itapon ang pakete nung kinain ko. "Nami." Tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.


"Wae?" tanong ko sa kanya.


Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now