Chapter 6 - Believe

990 52 4
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang panaginip ko kagabi. Iyon din ang dahilan kaya lumulutang ang isip ko simula pa kaninang umaga. Nagtuturo ngayon ang unang professor namin sa hapon pero hindi ako nakikinig at nakatingin lamang sa labas ng bintana. Nakaagaw sa aking pansin ang isang lalaki na naglalakad palayo dito sa College building. 


Nanlaki ang mata ko nung makilala ko kung sino ito. "Nami." Tawag sa akin ng kaklase kong babae na nakaupo sa aking likuran kaya tiningnan ko siya.


"Wae?" tanong ko sa kanya.


"Ano bang tinitingnan mo diyan? Kanina ko pa napapansin na lutang ka." sabi niya habang nakatingin sa labas at hinahanap kung ano man ang tinitingnan ko.


"Wala. May iniisip lang ako." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Tumango naman ito at nakinig na ulit sa prof namin. Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana pero wala na siya.


***


Kakatapos lang ng panghuling schedule ko ngayon kaya naman dumiretso ako sa Locker Room ng mga babae para ilagay ang ibang gamit ko. Nagpaalam sa akin si Jaehwan bago siya pumunta sa kanyang susunod na schedule. Hindi naman kasi kami pareho ng schedule sa ibang asignatura. Nilagay ko ang code sa locker ko at ipinasok ang iba kong gamit sa loob. 


Siniraduhan ko na ito at humakbang palayo nang may nakabangga ako. Tumatakbo kasi siya at hindi din ako tumitingin sa daan. "Mianhe." Paghingi ko ng paumanhin doon sa babae dahil hindi ko sinasadya.


"It's okay. I have to go, excuse me." Sabi niya at nagmamadaling tumakbo. 


Nagtaka ako kung bakit siya nagmamadali pero hinayaan ko na lang. Hindi ko naman kailangang malaman. Napatingin ako sa bagay na nasa sahig na mukhang pagmamay-ari nung babae. Kinuha ko ito at akmang tatawagin sana yung babae pero mabilis itong nakaalis.


Napatingin ako sa hawak ko. Isa itong silver na bracelet, simple lang ang disenyo nito at parang luma na. Napansin kong may naka-engraved dun kaya binasa ko. "S ♥ N." basa ko sa naka-engraved. 


Naisip kong siguro initials niya ito at ng isang lalaking gusto niya dahil may puso sa gitna ng dalawang letra. Naisip kong dumiretso sa Lost & Found Section kung sakaling hanapin niya ito. Ayoko din naman kasi siyang hanapin dahil tinatamad ako. Sa kasamaang palad, sirado na ang maliit na opisina. Hindi ko pa naman kilala kung sino ang babaeng iyon. Napagpasyahan kong iuwi na lang muna at ibalik ko na lang sa kanya sa Lunes, wala kasi kaming pasok kapag Sabado.


Naglakad na ako palabas ng SCU. Medyo maaga pa naman kaya naisipan kong dumaan muna sa parke na pinuntahan namin ni Chungsoo. Pinagmamasdan ko ang kapaligiran dito habang naglalakad. Maganda ditong pumunta pampalipas ng oras o di kaya'y mamahinga. 


Habang naglalakad ay may napansin akong lalaking naka-upo sa isang swing. Nakilala ko siya agad kaya lumapit ako sa kanya. "Jaehwan?" tawag ko sa kanya ng makalapit ako. Medyo nagulat pa siya ng makita ako. "Akala ko ba may susunod ka pang klase?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Sa halip, nginitian niya lang ako.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now