Chapter 37 - New

386 29 6
                                    

Nakatingin lamang ako sa kisame. Hindi makatulog. Lumilipad ang utak. Napatingin ako sa bedside table at ala una y media na ng madaling araw.


"Pasok kayo. Ano oras na ba?"


"Ala una y media ng hapon."


"Ah sige. Dito muna kayo sa kwarto. May kukunin lang ako."


Umalis ako sa pagkakahiga at umupo sa kama ko. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang repleksyon ko.


"Mimi, 'wag kang mag-alala. Wala pang kalahating oras at matatapos agad tayo."


"Rara, anong gagawin natin?"


"Hmm... Basta walang babaguhin. Babawasan lang."


"Sige. Mimi, upo ka na dito."


Naglakad ako papunta sa salamin. Kinuha ko ang upuan na malapit sa study table at umupo sa tapat ng salamin. Hindi ko pa rin inaalis ang aking mga mata sa repleksyon ko na hindi ko masyadong makita dahil natatakpan ng mga hibla ng buhok ko.


"Pakiabot naman ng gunting."


Inabot ko ang gunting na nakapatong sa study table na malapit sa akin tsaka kinagat ang ibabang labi ko.


"Junbidwaessnayo?" {E/T: Ready?}


Huminga ako ng malalim bago tumango. Itinapat ko ang gunting sa may bangs ko, sa pagitan ng aking noo at mga mata. Dahan-dahan kong ginalaw ang dalawa kong daliri na nakapasok sa butas ng gunting.


Naririnig ko ang tunog ng mga hibla ng buhok sa tuwing dadaanan ito ng dalawang talim ng gunting. Nang matapos ay napatingin ako sa kaunting porsyon ng buhok kong nasa sahig.


"Sabi ko na sayo eh. Mas maganda ka kung ganyan lang ang bangs mo. Diba, Rara?"


"Yep! Bagay sayo, Mimi."


Inilagay kong muli sa study table ang gunting na ginamit ko. Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa repleksyon ko at ngumiti.


"Gomawo, Rara-wa Eunhee." Tugon ko. {E/T: Thank you, Rara and Eunhee}


***


Naglakad na ako papunta sa classroom namin. Napansin ko ang ibang tao na napapatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Siguro'y kinikilala nila ako pero hinayaan ko lamang sila at dumiretso sa classroom namin. Nang makarating ako ay may kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase ko.


Nakita ko si Jaehwan na hawak ang kanyang cellphone habang seryosong nakatingin sa screen nito. Pumasok na ako sa loob at umupo sa katabing upuan ni Jaehwan. Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya at nakita kong naglalaro pala siya.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now