Chapter 19 - Visit

698 44 13
                                    

"Nami!" napatingin kami ni Rara sa pinto ng infirmary at nakita namin si Jaehwan na naghahabol ng kanyang hininga. Naglakad siya papalapit sa amin. "Gwaenchana?" nag-aalalang tanong niya.


"Ayos lang. 'Wag kang mag-alala." Sabi ko sa kanya at ngumiti.


"Ano ba nangyari?" tanong niya sa aming dalawa.


"Hindi din ko alam. Nabalitaan ko na lang na andito na siya sa infirmary." Sagot ni Rara kahit alam niya na ang dahilan.


Bumaling naman si Jaehwan ng tingin sa akin para maghanap ng sagot. "Hindi ko din alam. Nawalan na lang ako ng malay habang naglalakad-lakad ako." Pagsisinungaling ko.


Napabuntong hininga naman si Jaehwan. "Baka naman nagpalipas ka ng gutom o kulang ka sa tulog kaya ka nawalan ng malay. Alagaan mo ang sarili mo. Paano na lang kung walang nakakita sa'yo?" pangaral niya sa akin.


"Ne, pasensiya na kung pinag-alala ko kayo." Paghingi ko ng patawad sa kanila.


Nagpaalam na kami sa school nurse bago umalis ng Infirmary. Sabay kaming naglakad ni Jaehwan papunta sa klase namin habang si Rara ay pumunta sa ibang direksyon para pumunta na din sa kanyang klase.


"Naalala mo pa ba noong sinabi ko sa'yo na may kalaro akong multong bata at gusto ko siyang tulungan?" tanong ko sa kanya.


"Ne, wae?" sabi niya naman at tumingin sa akin.


"Pakiramdam ko malapit ko nang magawa iyon. Paunti-unti, makikila ko na ang kapatid ni Chungso---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. "Jaehwan?" tanong ko sa kanya.


Napaatras ako nang tumingin siya sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagiging seryoso. "Don't go near him again." madiing sabi niya.


"W-wae?" nagtatakang tanong ko.


"May kutob akong hindi maganda sa ginagawa. Iniisip ko lang ang kapakanan mo at baka mapahamak ka." Sabi niya at naglakad paalis. Naiwan ako doong tigalgal.


***


Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay hindi ko na siya nakausap pa. Kapag lalapitan ko siya ay parang nilalayuan niya ako. Hindi ko alam kung pakiramdam ko lang ba iyon o ganoon talaga. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung bakit.


Hindi kaya dahil doon sa gusto kong tulungan si Chungsoo? Pero ano naman kung tutulungan ko siya, wala namang masama doon. Isa pa, hindi naman ako mapapahamak. Ata? "Anong nangyari at parang iniiwasan ka ni Jaehwan?" tanong ni Rara at umupo sa katabi ko. Napansin niya rin ata.


Andito kami ngayon sa unit ko at nakaupo sa sofa. "Hindi ko din alam. Nakakapagtaka nga at parang iniiwaasan niya ako. Wala namang mali sa sinabi ko sa kanya." Sabi ko.


"Ano ba sinabi mo sa kanya?" tanong niya at uminom ng iced tea.


Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now