"Nami, ito pala yung hiniram ko kanina. Gomawo." Sabi ng kaklase ko sabay abot ng ballpen. Ngumiti naman ako sa kanya bago ko ito kinuha at binalik sa bag ko.
Wala naman na akong susunod na schedule ngayon. Sa ganitong mga oras, dapat papunta na ako sa library pero sinabi ni Connor sa akin kanina na pumunta daw ako sa tambayan kaya doon ako papunta ngayon.
"Mimi." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa likod. Nagtaka naman ako nang wala ako makitang ni isang tao sa hallway.
"Rara?" tawag ko dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin nun. Napakibit balikat na lamang ako dahil wala akong nakuhang sagot.
Marahil ay guni-guni ko lamang iyon o pinaglalaruan na naman ako ng mga ligaw na kaluluwa dito. Naglakad na akong muli hanggang sa makaabot ako sa tapat ng elevator. Pinindot ko ang button at naghintay na bumukas ang pinto.
Wala pang ilang segundo ay bigla na lamang nagpatay-sindi ang mga ilaw. Ngunit agad naman itong bumalik. Umatras ako para sumilip sa loob ng classroom na malapit sa kinatatayuan ko. Nakapagtataka dahil parang 'di nila napansin ang nangyari. Agad akong napatingin sa taas ng elevator at nakita ko ang mabilis nitong pagpalit ng numero. Parang ang bilis ng paggalaw ng elevator.
"May mali dito." Agad akong kinutuban kaya naglakad ako palayo at napagpasyahang bumaba na lamang gamit ang hagdan.
Narinig ko ang pagbukas ng elevator ngunit pinili kong hindi bumalik o lumingon doon. Nakarating na ako sa hagdan at tatapak pa lang sana ako sa unang hakbang nang makakita ako ng isang babae sa dulo ng hagdan. Nakaturo siya sa akin habang nakatingin ng masama.
Ang kanyang noo'y maamong mukha ay nakatingin sa akin ngayon na parang gusto niya akong patayin. Nabato ako sa aking kinatatayuan. Kahit gusto kong umalis at tumakbo palay ay hindi ko magawa. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.
"Kasalanan mo ito." Sa tono ng kanyang pananalita, alam kong galit na galit siya sa akin.
Tumulo ang isang luha mula sa aking kaliwang mata. Biglang bumigat ang aking pakiramdam. "J-joesonghabnida..." Mistulang hangin na lamang ang lumabas mula sa aking bibig. Isang salita na matagal ko ng gustong sabihin sa kanya ngunit hindi ko nagawa.
"Walang magagawa ang paghingi mo ng tawad. Ikaw. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ikaw. IKAW!" nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.
Biglang nagkaroon ng lakas ang mga paa ko para humakbang at tumakbo palayo. "Jebal jeoleul gamanhi nohaduseyo." Pakiusap ko habang tumatakbo. Hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko. {E/T: Please leave me alone.}
Liliko na sana ako nang bigla ko siyang makasalubong. Sinubukan kong maglakad paatras ngunit nanlambot ang aking mga binti at nawalan ako ng balanse. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nilalabanan ko ang takot ko at sinusubukang umatras pero katawan ko na mismo ang ayaw sumunod sa akin.
"Kailangan mong sumunod sa akin." Hinawakan niya ang leeg ko at inangat ako. Mas tumindi ang takot ko nang hindi ko na maramdaman ang sahig. Sinusubukan kong tanggalin ang malamig niyang kamay mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa leeg ko ngunit masyado siyang malakas. Hindi ako makahinga. Nasasakal ako.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?