Chapter 21 - Best Buddies

607 37 12
                                    

"Chungsoo?" pabulong na tawag ko sa kanya. Kanina ko pa siya hinahanap sa mga lugar na maaaring siyang nandoon pero 'di ko siya mahanap. 


Dumiretso ako sa garden sa likod ng building, nagbabakasakaling nandoon siya. "Chungsoo, andito ka ba?" tanong ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala akong nakuha ni isang sagot mula sa kanya. "Chungs---"


"Agassi, nuguleul chajeusinayo?" nagulat ako nang biglang may magsalitang lalaki mula sa likuran ko. Agad akong humarap sa kanya at yumuko. {E/T: Miss, who are you looking for?}


"Ah...kaibigan ko po. Bigla niya po kasi akong tinakbuhan tapos dito siya tumungo." Palusot ko sa tagalinis at hardinero dito sa unibersidad.


"Wala naman akong nakitang tumakbo papunta dito. Maaaring sa ibang lugar tumungo ang kaibigan mo." Sabi niya sa akin.


"Oh, gamsahabnida ahjussi." Nagpasalamat ako sa kanya at yumuko.


Naglakad na ako papasok ng College Building. Wala naman akong schedule ngayon kaya ginamit ko itong oras para kausapin si Chungsoo tungkol sa pag-uusap nila ng kanyang kapatid. "Asan kaya siya? Hindi kaya nasa parke 'yon ngayon?" tanong ko sa sarili ko.


"Wala siya sa parke, Eonni." Napatigil ako sa paghakbang nang makarinig ako ng isang boses. Dahan-dahan akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang isang batang babaeng nakatayo at nakatingin sa akin.


Pamilyar siya. Nakita ko na siya dati.


Bigla siyang tumakbo palayo sa akin. "Sandali!" Ayan na naman kami, tatakbo siya palayo at hahabulin ko siya. Saan na naman kaya ako dadalhin ng batang 'to? 


Hindi siya nakinig sa akin at patuloy lang sa pagtakbo. Nangyari na ito. Hinabol ko siya hanggang sa narating namin yung abandonadong sementeryo kung saan nakalibing si Chungsoo. Hindi kaya ituturo niya sa akin kung na saan si Chungsoo?


"Kkoma sonyeo, gidalyeo!" pagtawag kong muli ng atensyon niya. Tumigil naman siya sa pagtakbo at humarap sa akin. Tumigil din ako at naghabol ng hininga. "Ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. {E/T: Little girl, wait!} 


Nababalot ng natuyong dugo ang kanyang mukha't katawan. Ngayon ko lang din napansin na may dala-dala pala siyang laruang manika. "Hindi na po mahalaga kung sino ako, Eonni." Sabi niya sa akin habang nakangiti.


"Bakit mo ito ginagawa? Tinutulungan mo ba ako kay Chungsoo?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya.


"Kayo po ang pumili na sumunod sa akin. Hindi ko po kayo tinutulungan. Iba ang intesyon ko pero may gusto po akong sabihin sa'yo." Naglakad siya papalapit sa akin. "Mag-iingat po kayo." Sabi niya habang nakangiti.


Tumaas ang balahibo ko sa kanyang sinabi. Kinutoban ako ng masama. "Nasa Rooftop po si Chungsoo ngayon." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumakbo palayo.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now