Chapter 45 - Eunhee

337 25 4
                                    

"H-Hindi 'yan t-totoo...Buhay pa si Mimi! Buhay siya!" Sigaw ni Rara habang pilit na niyuyugyog ang katawan ng kanyang matalik na kaibigan, nagbabaka-sakaling magising ito. "Nami, tama na ang joke oh...Gumising ka na..." Paghikbi niya.


Napapisil naman sa gitna ng kanyang mga mata si Samuel habang mariing nakapikit, pinipigilang lumabas ang kahit isang patak ng luha mula sa kanyang mata. Nakatingin lamang sa kawalan si Jaehwan, tila ayaw iproseso ng kanyang utak ang lahat ng mga nangyari.


Naiyukom ng binata ang kanyang kamao habang seryosong nakatingin sa matandang nakayuko at hindi na alam ang gagawin. "I know you can do something." Sabi nito sa matanda.



Napa-angat ng tingin ang matanda at malungkot na tumingin sa binata. "Gusto ko hijo na tulungan ang kaibigan niyo pe---" Hindi na natapos pa ng matanda ang kanyang sasabihin ng putulin ito ng binata.


"Then help her!" Nagulat sila sa biglang pagtaas ng boses ni Nathan. Hinawakan naman siya ni Jaehwan, na kanyang katabi lamang, sa balikat para pakalmahin. Kinuha ng binata ang isang gusot na papel mula sa kanyang bulsa at naglakad papalapit sa matanda para ibigay ito. Kinuha naman ito ng matanda at binasa. "I don't understand Latin, but I know that something important." Seryosong sabi nito.


Nanlaki ang mata ng matanda nang kanyang mabasa ang nakasulat sa papel. Ibinalik niya ang tingin sa binata. "Sinong nagbigay sa'yo nito?" Tanong nito.


"Wala. Bigla na lang 'yan lumipad sa balkonahe ko galing dito sa unit ni Nami." Sagot naman ng binata.


Tumayo si Rara at lumapit sa kanila. "Ano po bang nakasulat? Baka makatulong 'yan."


"Nisi ei voca me. Ang ibig sabihin ay 'Save her, call me.' sa ating lengguwahe." Sagot ng matanda kaya lahat sila ay natigilan at napaisip. "May kilala ba kayong tao na maaaring magsulat nito? Kahit sinong malapit sa kaibigan niyo."


Hiniram ni Rara ang papel at kinilatis ito. Pamilyar para sa kanya ang sulat-kamay pero hindi niya maalala kung kanino ito. "Naaalala ang sulat-kamay na ito pero walang pangalan ng kung kanino man ito ang sumasagi sa isip ko."


Kinuha sa kanya ni Samuel ang papel at tiningnan ito. Hindi niya din makilala kung kanino ito. Napatingin si Rara at Samuel kay Nathan dahil baka kilala niya kung kanino itong sulat. Alam din kasi nila na dito minsan nananatili ang kanyang kapatid. "If you think that's Noona, it's impossible. She doesn't speak Latin."


"Wala ba kayong kilala na marunong ng salitang Latin?" Tanong ni Jaehwan kaya umiling naman sila bilang sagot. "Magsusulat na nga lang kasi ng ganyan, wala pang pangalan." Pabulong na reklamo niya sabay napakamot ng kanyang batok.


"Isa lang ang masisiguro ko, hindi ito galing sa isang taong nabubuhay pa." Napatingin ang apat sa matanda. Naglakad ang matanda papalapit sa wala ng buhay na dalaga at lumuhod. "May kakilala ba kayong tao na malapit sa babaeng ito pero yumao na?" Tanong nito at hinawakan ang malamig na kamay ng dalaga.


Hindi na napa-isip pa si Rara at Samuel at nagkatinginan na parang nagkausap sila at nagkaisa ang kanilang isip sa isasagot. "Eunhee..." Sabay nilang sagot kaya sa kanila naman napatingin ang iba. Napatuptop ng kanyang bibig si Rara nang mapagtanto niyang ang isang importanteng okasyon ngayong araw.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now