Agad akong dumiretso sa parking lot ng GHC at naabutan ko si Nathan na nakasandal sa isang pulang motor. Lumapit na ako sa kanya pero mukhang hindi niya ata ako napansin. "Ibwa, naega geuleohge olae geollyeossdamyeon mianhae." sabi ko sa kanya at yumuko. {E/T: Hey, sorry if I took so long.}
"Mhm." Tipid niyang sagot tsaka kinuha ang isang helmet at ibinigay sa akin.
"Motor." mahinang sambit ko habang nakatingin sa motor. Medyo natatakot ako sa pagsakay sa motor lalo na kung mabilis magpatakbo yung nagda-drive. Napatingin siya sa akin kaya nagulat ako.
"Mianhe, mas mapapadali kasi ang pagpunta natin doon kung motor ang sasakayan natin." Sabi niya.
"A-aniyo, hindi mo kailangang humingi ng tawad. Okay lang sa akin ang motor." Sabi ko habang winawagay ang dalawa kong kamay. Akala niya siguro ayaw ko. Sumakay na siya sa motor at pinaandar ang makina. Sumakay na ako sa may likuran. "Sa'yo ba itong motor?" tanong ko sa kanya.
"Ani, it's Skyler's. Hiniram ko lang dahil sira yung akin." Sabi niya kaya napatango ako.
Mabilis niyang pinaandar ang motor kaya bigla akong napakapit sa kanya. Yung totoo, nakikipag-karera ba itong lalaking 'to? Sa sobrang bilis niya ay nakaramdam ako ng takot at kaba. Peste naman oh! Madidisgrasya kami nito.
"B-bagalan mo nga ang pagpapatakbo mo. Madidisgrasya tayo ng wala sa oras!" sigaw ko sa kanya para marinig niya.
"Mabagal pa itong pagpapatakbo ko kung tutuusin." Halos madismaya ako sa sinabi niya.
"Nathan, hindi tayo nakikipag-karera!" sabi ko at napakapit pa lalo sa kanya. Natatakot na talaga ako sa ginagawa niya. Hindi na talaga ako uulit sumakay ng motor!
Mukhang hindi niya ata ako narinig dahil hindi niya man lamang binagalan kahit kaunti ang takbo ng motor. Nanginginig na ako sa sobrang kaba at takot ngayon. Tinalo pa ang nararamdaman ko kapag nakakakita ng multo.
"Jinsimiya, Nathan. Jebal..." sabi ko sa kanya {E/T: I'm serious, Nathan. Please...}
Naramdaman ko naman na binagalan na niya ang pagpapatakbo sa motor kaya nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at nakinig siya sa akin dahil kung hindi ay mamamatay ako sa sobrang takot!
"Mianhe." sabi niya pero hindi ako sumagot. Papatayin niya ako sa takot eh! May karapatan akong magalit.
Halos isang oras din ang byahe namin bago siya tumigil sa isang mapunong lugar. Bumaba na kami pareho ng motor. Napatingin ako sa paligid at may nakita akong puting gate. Nauna na siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya.
Madaming halaman at puno dito pero hindi nakakatakot, sa katunayan nga ay napakaganda dito. Para itong isang nakatagong hardin. Napatingin ako sa isang bahay mula sa itaas nang puno na malapit ngayon sa amin.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?