Chapter 41 - Who are you?

371 26 4
                                    

Napasabunot na lamang si Rara sa inis nang malamang pinatawag sa opisina ang dalaga. Narinig niya sa ibang estudyante na may sinakal daw kanina si Nami at muntik nang malagutan ng hininga yung estudyante. Mabuti na lamang at nakita sila ng isang professor.


Ilang beses na kasi itong nadetention noong mga nakaraang araw dahil sa pagtutok ng matutulis na bagay sa ibang estudyante, pagbabanta at pananakot sa iba. Hindi na nga niya alam kung ano na ang nangyayari sa kaibigan. Simula noong nakita niya ang mga pasa sa katawan nito ay bigla na lang nag-iba ugali ni Nami. Parang hindi na niya kilala ito.


May sakit ba siya at ayaw niya lang sabihin? Pero imposible. Alam niyang hindi magtatago ng sekreto at mga ganoong bagay sa kanya si Nami.


Andito siya sa tambayan kasama si Samuel at Jaehwan, sila lamang tatlo. Tahimik lamang sila habang napapaisip sa mga naganap at nagaganap. Ni hindi makapaniwala sa kung anong nangyayari sa kanilang kaibigan.


"Bago mangyari ang lahat ng ito, ano bang napapansin niyo sa kanya?" Seryosong tanong ni Samuel habang nakatingin sa dalawa. Hindi niya kasi alam dahil hindi niya nakikita at nakakahalubilo ang dalaga araw-araw.


"Pabago-bago ang ugali niya." Sagot ni Jaehwan. "Ang weird nga. Akala ko normal lang iyon hanggang sa nangyari na yung mga bagay na ito. Pati kilos niya, iba na din." Biglang nag-flashback sa utak ni Jaehwan ang nangyari noong ilang araw na ang nakakalipas.


***


Sumunod si Jaehwan sa classroom pero nagtaka siya nang walang maabutang tao sa loob. Nakita niya na gamit niya at ni Nami pa lang ang nasa loob. Pumasok siya at pumunta sa kanyang upuan nang makita ang gusot na papel na nakapatong sa desk ni Nami.


Napatingin naman siya sa paligid para tingnan kung may tao. Nang makumpirmang nag-iisa lamang siya ay agad niya itong kinuha at binuksan. Hinanap niya kung ano yung sinulat ni Nami kanina at nakita niyang hindi ito natapos.


"구해주" Iyon ang nakasulat. Napakunot naman siya ng noo. "Guhaeju?" Pangalan iyon ng isang lugar pero dahil hindi ito natapos ay hindi niya alam kung ano ba talaga ang gustong isulat ng dalaga.


Napaisip siya ng salita na sa tingin niya ay malapit sa sinulat ng dalaga. "Mhm! Pwede rin ang구해줘---"


"Anong ginagawa mo, Jaehwan?" nagulat ang binata at agad na ibinaba ang papel sa lamesa.


Napatingin siya sa likod niya at nakita niya si Nami na nakatayo sa tapat ng pinto. "Wala naman. Na-curious lang ako sa kung anong ginuhit mo."


Naglakad naman papunta sa kanya ang dalaga at kinuha ang papel na nakapatong sa desk. "Wala naman 'to. Ang pangit nga ng nagawa ko kasi hindi naman ako marunong gumuhit." Sabi nito at pinunit ang papel tsaka itinapon sa basurahan.


***


Pero kung 구해줘 nga ang kabuohan nito, bakit naman kaya siya magsusulat noon? May ibig ba siyang iparating sa isinulat niyang "save" sa papel.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now