Tumatakbo ako papunta sa classroom. Masyado na akong huli para sa exam namin. Baka bumagsak ako nito. Nang makarating sa labas ng classroom habang naghahabol ng aking hininga at tumutulo ang pawis sa mukha ko, lumapit sa akin ang proctor.
"Miseu Seo, neo siheom chigieneun neomu ileujanha." Sabi niya sa akin habang nakakunot ang noo. Napakunot din ako ng noo dahil sa kanyang sinabi. {E/T: Miss Seo, you're too early for your exam.}
"Aniyo. Kasama po ako sa first batch. Huli na po ako." Sabi ko habang naghahabol pa rin ng hininga.
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Ayon sa Dean, nilipat ka na daw sa next batch." Nilagay niya ang kanyang kamay sa isa kong balikat at ngumiti. "Punasan mo muna ang mukha mo dahil pawis na pawis ka na. Stay in the library or cafeteria while waiting for your schedule."
Naiwan ako sa labas na nakaawang ang bibig habang yung proctor ay pumasok na sa loob ng room. Nakapagtataka, bakit naman ako ililipat ng Dean sa pangalawang batch? Naglakad na lamang ako papuntang cafeteria. Bumili ako ng isang bote ng tubig at umupo sa pinakamalapit na upuan.
Habang naghihintay ay nag-scan muna ako ng notes ko. Paunti-unti na ring dumadami ang estudyante sa cafeteria. Mga estudyante na susunod na mage-exam.
Narinig ko na ang school bell kaya ibig sabihin ay tapos na ang naunang batch. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa classroom kung saan ko naka-assign. Nakasalubong ko si Rara at isang hampas ang bumungad sa akin.
"Aray!" daing ko sa kanya at hinaplos ang braso ko na hinampas niya. Masakit kaya siya manghampas.
"Ikaw babae, saan ka galing ha? Gusto mo bang ibagsak ang exam? Hindi ka man lang umabot at ngayon ka lang dumating." Galit na sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama.
"Mianhe. May nangyari kasi kaya hindi ako nakarating kaagad. Nakahabol pa naman ako pero sabi sa akin nung proctor namin, nilipat na daw ako sa susunod na batch." Sagot ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin? Ano bang nangyari at paanong nalipat ka sa ibang batch?" sunod-sunod na tanong na kaniyang ibinato sa akin.
"Mamaya ko na 'yan sasagutin. Baka mahuli ako sa exam ko." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
Napabuntong hininga na lamang siya at tumango. "Good luck." sabi niya at ngumiti.
"Gomawo." Sabi ko sa kanya at nagsimula na ulit maglakad.
***
Sa wakas, natapos din ang unang araw ng exam. Dumiretso agad ako sa Office of the Dean para tanungin kung bakit niya ako nilipat sa next batch. Noong tinanong ko siya ay binigyan niya ako ng isang ngiti. "Someone called me and said that there was an emergency. That person also requested to switch you to the next batch. Don't worry. You'll go back to the first batch for the last two days of the exam." Sabi niya sa akin at bumalik ulit sa ginagawa niya.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?