Maagang nakarating si Jaehwan sa unibersidad at wala pang ibang tao sa kanilang classroom bukod sa kanya. Naisipan ng binata na pumunta muna sa campus fields para magpalipas ng oras at may isa't kalahating oras pa bago magsimula ang klase.
Dinala niya ang gamit niya sa pagdra-drawing at umalis ng classroom. Pagkarating ay ipinatong niya sa isang mesa ang kanyang mga gamit at umupo. Nagsimula na siyang gumuhit ng kung ano ang maisipan niya.
"Marunong ka pa lang mag-drawing?" Nagulat ang binata sa biglang sumulpot na boses.
Napatingin siya sa kanyang kanan at nakita niya si Nami na nakatingin sa kanyang ginagawa. "Ne. Ang aga mo din ngayon ah."
Ngumiti naman ang dalaga at tumabi sa kanya. "Hindi ko alam ang bagay na ito tungkol sa'yo."
"Bata pa lang ako, marunong na akong gumuhit." Sabi naman ni Jaehwan at itinuon ang pansin sa kanyang ginuguhit.
"Eh bakit hindi ka nag-architecture? O kahit anong course na para sa magagaling gumuhit." Tanong ng dalaga.
"Hobby ko lang naman ang pagguhit. Gusto ko talagang kunin ang Chemical Engineering." Sagot naman ng binata at binigyan ng ngiti ang dalaga bago bumalik sa kanyang ginagawa.
Napatango naman ito at pinanood muli ang ginagawa ni Jaehwan. Naisipan naman ng dalaga na subukang gawin ang ginagawa ng binata. "Pwede ba ako mag-try?"
"Oo naman. Kuha ka na lang ng lapis at eraser diyan sa pencil case." Sagot naman ni Jaehwan at pumunit ng isang pahina sa kanyang sketch pad. "Dito ka na gumuhit."
Napangiti naman ang dalaga. "Gomawoyo." Sabi nito at nagsimula na ding gumuhit. Napangiti din ang binata at bumalik muli sa kanyang ginagawa.
Hindi maiwasang mapasilip ni Jaehwan sa kung ano ang ginuguhit ng kanyang kaibigan. Palihim niyang tinitingnan ang ginagawa nito. Napakunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang ginuguhit ng dalaga.
Gumugihit siya ng mga simbolo, mga pabilog na hugis at magulong linya. Napakibit balikat na lamang siya at inisip na baka gumuguhit ng abstract ang dalaga. Minsan kasi ganoon ang ginagawa niya kapag bored siya sa likod ng notebook niya.
Maya-maya ay napansin niya ang konting pag-alog ng kahoy na mesa. Noong una ay hindi niya ito pinansin pero nakarinig na siya ng nakakangilong tunog ng lapis. Napatingin siyang muli kay Nami at nakita niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa lapis habang idinidiin ito sa papel.
"Nami?" Tawag niya sa dalaga. Hindi siya nito pinansin at walang emosyong nakatutok lamang ang tingin sa papel. Napansin niya na mas humigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa lapis dahil nanginginig na ang mga kamay nito. "Nami." Kinaway niya kanyang kamay sa tapat ng mukha nito pero walang nangyari.
Tiningnan niyang muli ang papel na ginuguhitan ng dalaga at nakita niyang may sinusulat ito ngunit hindi niya masyadong naintindihan ito. "Nami, naririnig mo ba ako? Nami." Aalugin na sana ng binata ang dalaga nang biglang naputol ang tasa ng lapis. Nakita niya ang paggalaw ng mata ng dalaga at napatingin sa lapis. Agad niya itong binitawan.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?