Nami's POV
"Arrhenius bangjeongsigeun jongjong seolo daleun du ondoeseo cheugjeongdoen sogdo sangsuleul bigyohaneun de sayongdoebnida. Hwalseonghwa eneoji gabseul gyeoljeonghagi wihae dayanghan ondoeseo deiteoleul pyeonggahaneunde jeogyonghal su issda." Turo sa amin ni Prof. {E/T: The Arrhenius equation is often used to compare the rate constants measured at two different temperatures. It may be applied to rate data at different temperatures to determine a value for the activation energy.}
Habang nagsasalita siya ay nagsusulat ako ng notes. Mahirap na dahil baka makalimutan ko ang mga tinuro niya at bumagsak ako sa exam namin. Pagkaangat ko ng ulo ko ay agad nanlaki ang mga mata ko.
Nakita ako ang isang lalaki na may hawak na gunting. Nakangiti siya habang nakatingin sa babae kong kaklase. Ang ngiting iyon, nakakapangilabot at alam mong may binabalak na masama. Lumapit ito sa kaklase ko na ngayon ay walang kaalam-alam. Naging bato ako sa kinauupuan ko at bumilis ang tibok ng aking puso.
Inangat niya ang kanyang kamay, akmang isasaksak niya sa likod ng kaklase ko ang hawak nitong gunting. "Hajima!" sigaw ko at tumakbo para agawin ang gunting na hawak ng lalaki. Nakahinga ako ng maluwag nang maagaw ko ang gunting. {E/T: Don't!}
"Misue Seo, mwohae?" tanong ni Prof sa akin kaya nagsitinginan ang mga kaklase ko sa direksyon ko. {E/T: Miss Seo, what are you doing?}
Nagulat sila lahat nang makitang may hawak akong gunting at nakakatutok ito sa kaklase kong babae. Natakot din siya at lumayo sa akin. Napalunok ako at ibinaba ang ang gunting na hawak ko. Yumuko ako at humingi ng paumanhin.
"We'll talk later. Go to the detention room. Now!" galit na sigaw sa akin ng Prof namin.
Wala akong nagawa kundi kunin ang bag ko at dumiretso sa detention room. Nakita kong walang ibang tao sa loob. Nakahinga ako ng maluwag at padabog na umupo sa upuan na malapit sa akin. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.
"Bakit mo 'yon ginawa?" napatigil ako at agad na napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nakita ko yung lalaki kanina na muntik ng saksakin ang kaklase ko.
"Hindi ko hahayaang gawin mo 'yon sa kaklase ko." galit na sabi ko sa kanya.
"Wala kang pake sa gusto kong gawin. Kung hinayaan mo lang sana ako, hindi ka na nadamay pa. Wala namang makakakita sa akin eh." Sabi niya naman "Dahil sayo naudlot ang pagpatay ko sa laruan ko!"
Biglang nagsirado ang mga bintana sa detention room at ang patay-sindi ng mga ilaw. Lumapit sa akin ang lalaki kaya tumakbo ako papunta sa pinto. Pilit ko itong binuksan pero hindi ko mabuksan.
"Tulong!" sigaw ko at sinusubukang buksan ang pinto. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong papalapit siya sa akin. Nakangiti siya habang hawak ang isang baseball bat. "Maawa ka. Wala akong ginawang masama!" sigaw ko habang nakapikit.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kasabay ng pagbagsak ng baseball bat. "Miseu Seo, gwaenchana?" tanong sa akin ng Guidance Counselor at hinawakan ako. Tumango na lamang ako bilang sagot. Inalalayan niya akong makaupo.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?