Chapter 3 - Attempt

1.2K 48 6
                                    

Pagpasok ko sa classroom ay hinanap agad ng mga mata ko si Jaehwan ang kaso hindi pa siya dumadating. Dumiretso na ako sa upuan ko, nilagay ang bag ko sa gilid ng desk ko at umupo. Lumapit sakin ang Class President naming si Shinrae.


"Annyeong, Nami! Ang aga mo ngayon ah." Bati niya sakin sabay upo sa kaharap kong upuan.


"Annyeong, Shinrae! Oo nga eh, masyado atang napabilis ang gumalaw  ko ngayon. Ikaw din." Sabi ko. Marahan naman kaming napatawa. "Isa pa, mas maganda nang maaga dahil baka pagtinginan na naman ako ng ibang estudyante dahil sa itsura ko." dagdag ko.


"Sabagay, pero hayaan mo na lang sila. Masasanay din yung mga 'yon sayo." sabi niya at kumindat. "Matanong ko lang, bagong hair trend ba yang hairstyle mo?" pag-uusisa niya sa buhok ko. 


"Hindi naman, wae?" sagot ko sa kanya.


"Wala, natanong ko lang. Pero alam mo na-curious tuloy ako kung anong tinatago mo sa likod ng bangs mo. Baka naman tinatago mo lang ang kagandahan mo ha?" Sabi niya at pabiro akong hinampas sa braso. Ngumiti lang ako sa kanya.


Maya-maya ay nagsi-datingan na ang iba pang kaklase namin kaya umingay na tuloy dito sa loob ng silid-aralan. Nagpapasalamat ako dahil kahit na lumaki sa mayamang pamilya ang mga kaklase ko ay hindi iyon naging hadlang para kaibiganin nila ako. Iba kasi ang imahe ng mga mayayaman sa simple lang ang pamumuhay. Sabihin na nating mayaman at may mga itsura sila pero may mga problema sila sa kanilang pag-uugali. Pero iba ang mga tao dito.


"Nami-wa Shinrae, annyeong." bati sa amin ng isang lalaki. Napatingin kami sa kanya at ngumiti.


"Annyeong Jaehwan!" sabay naming bati sa kanya. Nagpaalam na sa amin si Shinrae at bumalik na sa kanyang upuan.


"Ang aga mo ata ngayon." Sabi niya at umupo sa katabi kong upuan.


"Mhm. Umm...Jaehwan?" tawag ko sa pangalan niya. Hay naku, nakakahiya talaga na humingi ng tulong sa kanya pero kailangan ko talaga.


"Hmm?" tanong niya. Kakapalan ko na mukha ko.


"Ok lang ba sayo na tulungan ako? Kailangan ko kasing makausap si Nathan Kang at hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin. Ikaw lang ang alam kong pwedeng hingian ng tulong eh." Sabi ko at tumawa ng alanganin. Fishtea. Nakakahiya talaga.


Nakita ko naman siyang ngumiti. "Of course. Ako pa nga nagsabi sayo na gusto kitang tulungan di'ba?" sabi niya naman kaya nakahinga ako ng maluwag.


"Gamsahabnida." pasasalamat ko at ngumiti sa kanya pabalik.


"Cheonmaneyo. I'll talk to him later." sabi niya kaya tumango ako. 


"Sa tingin mo ba maniniwala siya kung sasabihin kong nakikita ko si Elle Eonni?" tanong ko sa kanya. Ngayon, kinakabahan naman ako.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now