Ngayon ang unang araw ng pasukan. Sa wakas at College na ako ngayon. Konting taon na lang, makakapagtrabaho na ako at makakatulong sa aking mga magulang. Inaasahan ko na talaga ang mangyayari ngayon, yung pagtitinginan ako ng mga tao. Syempre, sino ba naman ang matinong tao na may mahabang bangs na halos matakpan na yung mukha niya? Walang iba kundi ako.
Lahat ng tumitingin sa akin ay parang nakakita ng multo pero hinayaan ko na lang, kahit na ayaw kong nasa akin ang atensyon ng mga tao. Dumiretso ako sa Class CE1 para makahanap agad ako ng upuan at sakto namang pagpasok ko ay natigilan yung mga kaklase ko sa mga ginagawa nila at napatingin sa akin.
"Nami!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Nakita ko si Jaehwan na nakangiti habang kumakaway sa akin kaya naglakad ako papalapit sa kanya.
"Annyeong, Jaehwan." Bati ko sa kanya at ngumiti. Nakakahawa ang ngiti niya.
"Annyeong!" Bati niya rin sa akin.
"Sige, balik na ako sa upuan ko." Paalam ng kausap ni Jaehwan sa kanya. Ngumiti muna siya sa akin bago umalis.
"Sige, bro." Sabi naman ni Jaehwan at ibinalik ang tingin sa akin. "Nakahanap ka na ba ng uupuan mo?" Tanong niya.
"Hindi pa eh." Sagot ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung saan ako uupo, parang natakot ata sa akin ang mga kaklase ko.
"Dito ka na lang sa katabi ko umupo. Tutal wala pa namang nakaupo dito." Sabi niya. Tumango naman ako at umupo sa katabi niyang upuan.
Gusto ko naman dito sa pwestong ito dahil katabi ko ang bintana. Nilibot ko aking paningin sa silid-aralan namin. Hindi na nakatingin sa akin ang mga kaklase ko at bumalik na sa kani-kanilang mga ginagawa. Naalala ko bigla ang misyon ko kaya humarap ako kay Jaehwan. "Jaehwan?" Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Sabi niya at tiningnan ako.
"May kilala ka bang Nathan Kang?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya. "Ne, si Nathan Hyung. He's one of my friends ever since we were kids. Wae?" Sagot niya.
"Umm...natanong ko lang. Pamilyar kasi ang pangalan niya, lalo na ang apelyido niya." Sinabi ko na lamang. Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol sa misyon ko.
"Siguro pamilyar siya sa'yo dahil ang mga Kang ang may-ari nitong SCU at GHC." Sagot niya kaya napatango naman ako. Kaya pala pamilyar ang pangalan nila Elle Eonni. Minsan ko na kasing narinig iyon sa matalik kong kaibigan, si Rara. Ang dami kasi niyang alam. Minsan naman naririnig ko iyon sa ibang tao.
"Annyeong, Kim Shinrae imnida. You must be the transferee, right?" Sabi ng isang babae na lumapit sa akin. Bilugan ang mukha at malaki ang mata. Cute kung tatawagin.
"Ne, Seo Nami imnida." Sabi ko at nakipagkamay sa kanya.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?