Chapter 5 - Dream

965 50 8
                                    

Nakahiga na ako ngayon sa aking kama habang napapaisip kung ano ang pwede kong gawin para mapaniwala si Nathan na nakikita ko si Elle Eonni. Ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok kaya ipinikit ko na aking mga mata.


Naalimpungatan ako nang may marinig akong busina ng sasakyan. Idinilat ko ang aking mga mata at ganoon na lamang ang aking gulat nang makita ko ang sariling nakaupo sa isang bench, parang nasa isang parke ata ako at malapit ang inuupuan ko sa may kalsada. Nagtaka ako kung paano ako nakapunta dito dahil sa pagkakaalam ko ay nakahiga pa ako sa kama ko. 


Napansin kong umaga na pala pero ipinagtataka ko rin ay kung bakit ako nandito sa isang parke at nakasuot ng pantulog na damit. Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad. Nakakahiya naman na makita ako ng ibang taong nakasuot ako ng pantulog. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako naglalakad habang tulog. Naisipan kong bumalik sa GHC pero may problema ako at iyon ay hindi pamilyar sakin ang lugar kung nasaan ako. 


May nakita akong dalawang babae na nag-uusap kaya napagpasyahan kong lapitan sila para magtanong. "Annyeong, pwede ko bang matanon---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa nangyari.


Hindi nila ako pinansin sa halip ay nilampasan lang nila ako at lumusot sa katawan ko. Bakit lumusot sila sakin? Kaluluwa na lang ba ako? Namatay ba ako nang hindi ko nalalaman. Madami pang tanong ang pumapasok sa isip ko na hindi ko masagot. 


Natatakot akong isipin na kaluluwa na lang ako pero may posibilidad na totoo iyon. Lumulusot lang ang lahat ng tao sakin at isama mo pa na wala akong maalala kung paano ako napunta dito. Napagpasyahan kong maglakad-lakad dito sa lugar nagbabakasakaling makahanap ako ng kasagutan sa kahit isang tanong ko. 


Napadpad ako dito sa isang lugar na puro mga boutique at shops ang nakatayo. Madami ding tao dito na may kanya-kanyang ginagawa at agenda. Napatingin ako sa isang bagay na naka-display sa isang shop, isang kalendaryo. Laking gulat ko nang makita na wala ako sa kasalukuyang panahon. Bumalik ako ng labing-isang taon mula sa kasalukuyang panahon.


"August 21, ****?" basa ko dun sa kalendaryo. Paano nangyari ito?


Napatingin ako nang may pumaradang sasakyan malapit saakin. Naagaw noon ang aking atensyon. Kung titingnan mo ay mahal na klase ang kotseng iyon. Maya-maya pa ay may lumabas na isang babae mula doon. Naka-shades ito kaya hindi ko makita ang mukha niya pero masasabi mong maganda siya.


Maganda ang kanyang tindig, maputi at makinis ang kutis, malambot tingnan ang buhok at maganda manamit kaya masasabi mong mayaman siya. Pumasok siya sa isang shop kaya sinundan ko siya sa loob, may parte kasi sa akin na dapat sundan ko siya. Pagpasok niya ay tinanggal na niya ang kanyang shades at doon ko nakilala kung sino ito.


"Elleine Eonni?" di maka-paniwalang sabi ko. "Eonni! Eonni! Nakikita mo ba ako?" sabi ko habang kinakaway sa tapat ng kanyang mukha ang aking kamay pero walang naitulong. Hindi din niya ako makita. 


Lumapit siya dun sa matandang babae, na sa tingin ko ay may-ari ng shop, at ngumiti. "Annyeonghaseyo~ Pwede ko na po bang makuha yung pinagawa ko?" tanong ni Eonni sa matanda.


"Ne, sandali lang iha at kukunin ko." Sabi nung matandang babae at pumasok sa isang silid.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now