Nami's POV
Humugot ako ng isang malalim na hininga dahil sa matagal akong nawalan ng hangin sa katawan. Napaubo ako at agad nakaramdam ng lamig. Narinig ko ang mga boses na tila tumatawag sa akin pero hindi ko pa maintindihan dahil nakakaramdam ako ng hilo. Naramdaman kong niyakap ako ng isang babaeng nasa tabi ko pero hindi ko makita nang maayos dahil nanlalabo ang aking mga mata.
"Kumuha kayo ng kumot." Sigaw ng babaeng nakayakap sa akin.
Ilang segundo pa ay bumalik na sa dati ang paningin at pandinig ko. Nakilala ko na ang mga tao sa paligid ko. Nakita ko si Rara na nakayakap sa akin at kinakamusta ako pero wala pa akong lakas para makapagsalita. Bumalik si Sam Oppa dala ang isang kumot at ibinalot sa akin dahil nanginginig na ako sa lamig. Inabutan din nila ako ng isang baso ng tubig para inumin.
***
Paulit-ulit ako sa paghingi sa kanila ng tawad. Naabala at namoblema pa sila dahil sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya dahil nasaksihan nila ang hindi dapat masaksihan, partikular kay Nathan at Jaehwan.
"Mimi, 'wag ka ngang humingi ng tawad. Masaya nga kami kasi natulungan ka namin eh." Sabi ni Rara na nasa tabi habang nakayakap sa akin. Binigyan niya ako ng isang ngiti.
"G-Gamsahabnida..." Pasasalamat ko sa kanilang lahat.
"Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ang ganitong pangyayari. Akala ko talaga sa palabas ko na lang ito makikita." Sabi ni Jaehwan kaya tiningnan siya ng masama ni Sam Oppa. Alanganin naman siyang napatawa at humingi ng tawad.
Tumingin ako sa matandang nakaupo sa may kaliwa ko. Ngumiti ako sa kanya at yumuko para magpasalamat. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi na ako makakabalik muli sa katawan ko. "Walang ano man. Pero hija, may dalawang tao na dapat sa kanila ka magpasalamat dahil kung hindi sa kanila, hindi rin kita matutulungan." Natigilan ako sa sinabi niya. Tiningnan ko silang apat. "Si Samuel, dahil siya ang humingi sa akin ng tulong. At..." Napatingin akong muli sa matanda para hintayin ang kanyang sasabihin.
Tumingin siya sa isa sa apat kaya sinundan ko din ang kanyang tingin. "...sa kanya, dahil noong hindi na namin alam ang gagawin, hindi siya sumuko at naniwala siyang may magagawa pa ako. Siya din ang binigyan ni Eunhee ng senyas na tawagin siya para tulungan ka. Ano ang pangalan mo, hijo?"
"Nathan." Sagot niya naman. Napangiti naman ako. Dahil sa kanilang lima na nandito, nabuhay pa ako. Tumayo ako at yumuko sa kanila para magpasalamat. Hindi ako matatapos sa pagpasalamat sa kanila.
Hinding hindi ko din makakalimutan na magpasalamat sa Diyos dahil siya lamang ang may kapangyarihan para makabalik ako sa mundong ibabaw. Dahil sa nangyari ay masasabi kong mas lumalim ang paniniwala ko sa kanya dahil alam kong hindi niya ako iiwan.
"Sandali!" Sigaw ni Jaehwan habang nakatingin sa kanyang phone. Natigilan kaming lahat at napatingin sa kanya. "Bakit parang isang minuto pa lang ang nakakalipas simula nang umalis tayo ng SCU? Akala ko maghahapon na. Tumigil ba ang oras?"
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?