Chapter 47 - Vacation

370 26 2
                                    

"Sa wakas! Pahinga na!" Sigaw nung kaklase kong lalaki at nagmadaling tumakbo palabas ng classroom kasama ng mga kaibigan niya.


Lumapit sa akin si Jaehwan habang humihikab. "Wala naman tayong bakasyon eh." Sabi niya at napabuntong hininga.


Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Oo nga't may bakasyon kami para sa pasko pero iyon naman ang gagamitin naming oras para matapos ang thesis namin. Lumabas na kami ni Jaehwan ng classroom tsaka sinundo si Rara sa kanyang classroom.


Hinatid kami ni Jaehwan pauwi ng GHC kaya madali kaming nakauwi ni Rara para makapagpahinga. Sumama muna siya sa akin sa unit ko. Nang makarating ay agad siyang humiga sa sofa. "Dito muna ako makikitulog. Bukas na lang ako mag-aayos ng gamit ko."


Dumiretso ako sa kwarto para magbihis tsaka tinawagan sina Eomma. "Eomma, bakasyon na namin. Uuwi kami ni Rara diyan sa Incheon para sa pasko."


[Kailan ba kayo uuwi para makapaghanda kami dito?] Sabi ni Eomma sa kabilang linya.


"Sa susunod na araw po." Sagot ko naman sa kanya.


[Sige sige. Hindi na kami makapaghintay. Miss ka na namin ng Appa mo. Ang tagal na naming hindi kayo nakikitang dalawa ni Rara.]


"Eomma appado bogo sipeoyo." Sabi ko habang nakanguso. Ilang minuto din kaming nag-usap ni Eomma bago niya ibaba ang tawag dahil may gagawin pa daw siya.


***


Kasama namin ni Rara si Sam Oppa dito sa istasyon dahil uuwi din siya kina lola at lolo niya siya magdidiwang ng pasko. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakabalik sa Incheon simula noong umalis siya papuntang Seoul para ipagpatuloy ang pag-aaral sa high school.


"How I miss Incheon." Nakangiting sabi ni Sam Oppa na halatang gustong-gusto nang makabalik muli ng Incheon.


Habang hinihintay namin na dumating ang tren na maghahatid sa amin papunta doon ay bumili muna kami ng kape pampainit ng tiyan. Maaga kaming umalis para makarating agad sa Incheon kaya hindi na kami nakapag-almusal. Habang nag-uusap at naghihintay ay may napapansin akong nakatingin sa amin. Wala naman akong makitang tao sa tuwing lumilingon ako para hanapin kung sino iyon.


Nang makasakay na kami sa tren ay nakatulog agad ang dalawang kasama ko. Nanatili lang akong gising para bantayan sila at mga gamit namin kasi pakiramdam ko talaga may nakasunod sa amin. Mahirap na baka magnanakaw ang mga iyon. 


Pagkatapos ng ilang oras ng byahe ay nakaramdam kami ng pamamanhid ng pwet sa tagal naming nakaupo. Bumaba kami ng tren para sumakay sa bus para makarating mismo sa Jung-gu, kung saan kami nakatira. Hindi pa man kami nakakasakay ay naramdaman kong muli na may sumusunod sa amin at sa pagkakataong ito ay nakita ko na mismo kung sino sila.


Napakamot na lamang ako ng aking ulo ko. Patago pa sila para sundan kami, pwede naman nilang sabihin na susunod sila o gusto nilang sumama. Kinabahan pa tuloy ako. Akala ko magnanakaw.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now