Nakaharap lamang ako sa salamin habang pinagmamasdan ang aking sarili. Suot ko ngayon ang binili naming gown noong nakaraang linggo. Kinulot din ni Rara ng kaunti ang buhok ko para daw mas maganda tingnan. Nagsuot din ako ng makeup at alahas para pormal tingnan, pero sabi ni Rara ay "elegante" daw ang tamang term.
(Photo from Koreaboo)
"Ready ka na?" tanong ni Rara sa akin.
Tumango naman ako at kinuha ang purse ko sa center table. Bumaba na kami papunta sa ground floor. Agad naming nakita ang driver na naghihintay sa amin sa labas. Si Steffany ang nagsabi sa amin na may maghahatid na daw sa amin papunta sa venue at pauwi. Pinagbuksan kami ng driver ng pinto bago kami pumasok sa loob ng kotse.
"Ang ganda naman nitong kotse." Komento ni Rara sa akin kaya napatawa naman ako sa kanya ng marahan.
Nang makarating kami sa venue ay agad kaming bumaba ni Rara para hanapin ang iba. Nakita namin si Hunter at Jaehwan sa may entrance kaya nilapitan namin sila. "Wow! Neohui dulda jeongmal areumdawo." Puri ni Hunter sa amin kaya nakaramdam ako ng hiya. {E/T: Wow! Both of you look so beautiful.}
Narinig ko namang napatawa ng marahan si Rara. "Gamsahabnida, sunbae." Sabi ni Rara at yumuko sa kanya.
Napatingin ako kay Jaehwan na ngayon ay palihim na tinitingnan si Rara habang si Rara naman ay ngiting-ngiti. Pinigilan kong matawa dahil sa kanilang dalawa. Ang cute nila tingnan.
"Deuleogabsida." Sabi ni Hunter kaya tumango naman kami at pumasok na sa loob. {E/T: Let's go inside.}
Hindi pa man kami nakakatingin-tingin sa paligid ay madami na agad sa amin ang bumati. Nakilala namin ang mga magulang ng nasa Fam. Syempre, nakilala din namin ang mga magulang ni Steffany at Nathan na siyang nag-organisa ng party. Magulang na lang namin ni Rara ang hindi pa nakikilala ng buong Fam.
Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap at pagbati ay pumunta na kami sa reserved seat para sa amin. Kasama namin sa mesa ang Fam maliban kay Steffany at Nathan. Hindi pa man nagsisimula ang party ay nakaramdam na ako ng pagod at pakiramdam ko ay halos mapunit na ang bibig ko sa kakangiti kanina.
"Gwaenchana?" tanong ni Connor sa amin ni Rara. "You look exhausted."
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?