Chapter 11 - Walk with a Friend

832 43 3
                                    

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Ilang segundo din ang nakalipas bago iproseso ng utak ko ang sinabi ni Eonni sa akin. "Ginamit ko lang iyon para mapapayag ka na tulungan ako. Jeongmal joesonghabnida." sabi niya at halatang pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa.


"Eonni..." tawag ko sakanya. Tiningnan niya naman ako kaya nginitian ko siya. "Hindi man totoo na mawawala ang third eye ko, itutuloy ko pa rin ang misyon at susubukan ko itong tapusin. Okay lang sa akin kahit wala ng kapalit dahil ang importante ay matulungan kita." Sabi ko sa kanya.


Noong una pa lamang ay naisip ko na ang bagay na iyan, na paano kung hindi totoo ang magiging kapalit pero binalewala ko na lamang ito dahil gusto ko siyang tulungan. Hindi na dahil sa kapalit kundi dahil bukal sa aking puso.


"Pero---" hindi ko na siya pinatapos.


"Eonni, gusto kitang tulungan. Alam kong ginagawa mo ito dahil mahal mo ang kapatid mo. Hinihiling ko dati na sana magkaroon ako ng kapatid dahil gusto kong may karamay ako, may makakausap at may makakaintindi sa akin na malapit lamang sa edad ko." Paliwanag ko sa kanya. "Sana nagkaroon din ako ng kapatid na katulad mo Eonni. Dahil ramdam ko kung gaano mo kamahal ang kapatid mo. Gusto ko rin sanang maramdaman ang pagmamahal ng isang kapatid." Malungkot akong ngumiti sa kanya.


"Nami..." nag-aalalang tawag niya sa akin. Umiling ako sa kanya at ngumiti, pero ngayon ay yung totoong ngiti na.


"Basta tutulungan kita Eonni kahit anong mangyari."


***


Napatingin ako sa kalendaryong nasa gilid ko at nakita kong may natitira na lamang akong tatlong araw kaya napabuntong hininga ako. Iniiwasan niya talaga ako tapos ngayon hindi din siya pumasok. Sinusubukan ko siyang lapitan pero mas lalo siyang lumalayo at nagagalit sa akin. Gusto ko sana siyang kausapin kapag uwian dahil magkatabi lamang ang unit naming dalawa pero hindi ako makahanap ng tyempo dahil baka mahuli ako nina Eomma at Appa.


"Ang bilis ng panahon 'no?" Napatingin ako kay Jaehwan nang bigla siyang magsalita. "Kakikilala pa lang natin pero aalis ka na agad." Sabi pa niya na parang nagda-drama kaya marahan ko siyang hinampas sa kanyang braso.


"Ngayon ikaw naman ang nagda-drama. Hayaan mo, dadalaw naman ako dito kapag may oras ako." Sabi ko sa kanya.


"Kailan ka ba aalis?" tanong niya


"Sa Lunes." Sabi ko at napabuntong hininga. 'Paalam Seoul' na nga ba ito?


Tumango naman siya bilang tugon at nagbasa na lamang ulit. Andito kami sa library dahil wala kami parehong schedule. "Sabado bukas 'di ba?" tanong niya sa akin.


"Ne, wae?" tanong ko pabalik sa kanya.


"May alam akong lugar na maganda ang ambience. Hindi naman siya ganoon kalayo. Gusto mo bang pumunta doon bago ka bumalik sa Incheon? Pwede mo rin isama sina Eomma at Appa mo." alok niya sa akin. Maganda ngang ideya iyon. Makapasyal man lamang ako ulit bago ako bumalik sa Incheon.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now