Sa gulat ko ay hindi agad ako nakasagot sa kanya. Kinakabahan din ako sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin. "Sumagot ka!" napapikit ako at napalunok ng aking laway nang bigla niya akong sinigawan.
Hindi ko 'yon inaasahan. "T-tinitingnan ko lang ang mga litrato. Pasensya na." sabi ko habang nakayuko. Nami naman. 'Wag mo kasing pairalin ang pagka-curious mo para 'di ka napapahamak.
Naramdaman kong ibinalik niya ang litrato sa may drawer at naglakad palayo sa akin. Idinilat ko ang aking mata at nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang nakayuko. "Patawad kung nasigawan kita. Hindi ko 'yon intensyon." Paghingi niya ng patawad.
"O-okay lang." iyon na lamang ang aking nasabi sa kanya.
Napabuntong hininga naman siya at napatingin sa kawalan. "May nakababata akong kapatid. Mahal na mahal ko siya pero 'di ko iyon napadama sa kanya. Sa halip ay itinakwil ko siya bilang kapatid at pinagsisihan ko 'yon." Pagkukwento niya. Nanatili lamang akong tahimig habang nakikinig sa kanya. "Ang kapatid kong iyon...ay si Chungsoo." Nanlaki ang mga mata ko sa pag-amin niya. "Ako ang nagdala sayo sa clinic." Dagdag niya pa.
"P-pero paano nangyari iyon? Hindi naman kayo magkapareho ng apelyido ni Chungsoo." Hindi ko maiwasang itanong sa kanya.
"Apelyido ng totoo kong ina ang gamit ni Chungsoo. Ang babaeng nasa litrato, siya ang tunay kong ina. Minhee is my stepmother." Sagot niya na mas lalong ikinagulat ko. "Alam kong madami kang itatanong sa akin. Sasagutin ko iyon pero ipangako mo na hindi na ito makakarating pa sa kahit sino. Magtitiwala ako sayo. Wala pang ibang nakakaalam ng bagay na ito kahit mismo mga kaibigan ko." Sabi niya naman kaya nangako ako sa kanya na hindi ko sasabihin sa iba kung ano man ang malalaman ko ngayon.
"Tulad ng ibang pamilya, masaya kaming magkakasama. May kaya kami pero gusto ni Eomma at Appa na lumaki akong simple. Ayos lang ang buhay namin hanggang sa dumating ang araw na kailangang umalis ni Appa para sa isang business trip." Pagsisimula niya ng kanyang kwento. Kumuha ako ng upuan at umupo malapit sa kanya.
"Ipinagkatiwala ni Appa kaming dalawa sa kanyang kaibigan para bantayan kami habang wala siya. Hindi alam ni Appa na buntis si Eomma bago siya umalis kaya naisip ni Eomma na gawin na lamang itong surpresa pagbalik ni Appa. Ngunit hindi ang inaasahan namin ang nangyari." Nakita kong lumungkot ang kanyang mukha.
"Pagkauwi ni Appa ay nagulat siya nang makita niyang buntis si Eomma. Hindi siya naniwala na siya ang ama ng dinadala ni Eomma. Inakala niya na ang kaibigan niya ang ama nito. Simula noon, lagi niya ng sinasaktan si Eomma. Lagi na siyang umuuwi ng hating gabi at laging lasing. Bata pa ako noon kaya wala akong nagawa para tulungan at ipagtanggol si Eomma." May tumulong luha sa kaliwa niyang mga mata.
"Dumating ang araw na ipinanganak ni Eomma si Chungsoo. Gusto sanang patayin ni Appa ang sanggol pero pinigilan siya ni Eomma. Nag-file ng divorce si Appa at sumama sa noong girlfriend niya, si Minhee. Iniwan niya kaming totoong pamilya niya para kay Minhee. Simula noon, Bae na ang ginamit naming apelyido." Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili niya.
Hindi ko alam na ganito pala ang kanyang nakaraan. Mabigat sa pakiramdam. "Inalagaan ko at minahal ang kapatid kong si Chungsoo. Hindi mo nga kami mapaghiwalay dahil ganoon kami kalapit sa isa't-isa. Maayos naman ang buhay naming tatlo na wala si Appa. Pero hindi namin inaasahang babalik siya para kunin ako. Ayaw kong sumama noon pero hinila ako ni Appa papasok ng kaniyang kotse." Pagkwento pa niya.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?