"Nami!" tawag sa akin ni Rara pagbukas ko ng pinto ng unit niya. Nginitian ko siya sabay pasok sa loob. Nilapitan niya akong nakangiti pero nawala din ito nang makalapit na siya sa akin. "Anong nangyari sayo?" tanong niya sakin habang nakataas ang isang kilay niya.
"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noo kong tanong pabalik sa kanya.
"Tingnan mo nga sarili mo sa salamin. Para kang hinabol ng sampung kabayo." Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa sinabi niya pero dahil pagod ako ngayon ay tiningnan ko na lamang siya.
"Mahabang kwento." Sabi ko sa kanya at naglakad para umupo sa sofa. Naubos ata ang enerhiya ko para magkwento pa ng nangyari kanina.
"Wala akong paki kung mahaba ang ikukwento mo kaya ikwento mo pa rin." Sabi niya at iniwan ako sa sala niya. Maya-maya ay bumalik siya dala ang isang baso ng tubig at paborito niyang rice balls. Binigay niya sa akin ang baso at umupo sa katapat kong sofa. "Sige, kwento." Sabi niya sabay subo ng rice balls sa bibig niya.
***
Napairap ako dahil sa sinabi niya. "Wala na siguro sila." Sabi niya kaya lumabas na kami sa tinaguan naming masikip na eskinita.
Nakaramdam ako ng hapdi sa may kaliwang braso ko. Tiningnan ko ito at may nakita akong maliit na sugat, mukhang nagasgas ko ata doon sa magaspang na pader. "Ano na lang ang mararamdaman ng kapatid mo kapag nalaman niya ito?"
Bagot siyang napatingin sa akin. "Hindi ako ang nagsimula ng gulo. Isa pa, wala ka nang magagawa doon."
"Eh, pinatulan mo kasi!" Sabi ko sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit naiinis ako kahit na wala naman akong karapatang mainis. Tapos naman na kasi ang misyon ko sa kanila ni Elleine Eonni.
"Geuneun yeogie isseoyo!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.{E/T: He's here!}
Hinila niya ulit ako kaya napilitan na naman akong tumakbo. Naiinis na ako sa ginagawa niya. "Di mo naman na ako kailangang hilain ah! Wala naman akong atraso sa kanila kaya hindi ko kailangang tumakbo papalayo sa kanila!" sigaw ko sa kanya.
"Wala ka ngang atraso pero ayaw kong gamitiin ka nilang pain para sumuko ako sa kanila." Simpleng sagot niya.
***
Napa-isip ako dahil doon sa sinabi ni Nathan. Ibig ba niyang sabihin na susuko siya kapag nahuli ako nung mga lalaking 'yon? Does he care about me?
Nanlaki ang mata ni Rara pagkatapos kong magkwento. "Sinabi niya 'yon?" pang-iintriga niya kaya tumango naman ako bilang sagot. Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.
"Wae?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?