Nami's POV
Dumiretso muna ako sa unit ni Rara para kamustahin siya. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang umiinom ng hot choco. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako pabalik.
"Jom eotteoseyo?" tanong ko sa kanya. {E/T: How are you feeling?}
"Meongeun ppaego gwaenchanhayo." Sabi niya at marahang tumawa. {E/T: I'm fine except for the bruises.}
Tumabi ako sa kanya para tiningnan ang kanyang tuhod. Napangiwi ako nang makitang malaki ito at kulay lila na ang pasa sa dalawang tuhod niya. "Sa susunod kasi tingnan mo dinadaanan mo nang hindi ka mahulog sa hagdan. Paano na lang pala kung yung ulo mo ang nauna?" Pangaral ko sa kanya.
"Kasalanan ko bang may dumaan na ipis kaya nagulat ako?" dipensa niya naman kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Nilalagyan mo ba 'yan ng cold compress?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.
"Hindi muna ako makakapasok ngayon dahil hindi ako makalakad ng maayos." Sabi niya habang hinahaplos ng dahan-dahan ang kanyang pasa.
"Sige, ako na ang bahalang magpaalam sa mga Prof mo. Pahingi ng schedule mo." Sabi ko sa kanya.
"Nasa desk sa kwarto." sagot niya habang tinuturo ang hallway papunta sa kanyang kwarto.
Tumayo ako at dumiretso doon. Kinuha ko ang phone ko para kuhanan ng litrato ang kanyang schedule bago bumalik sa sala. "Mauuna na ako. Ako na rin ang bahalang magtanong kung may dapat ba kayong ipasa bukas." paalam ko sa kanya.
Ipinatong niya ang iniinom niyang hot choco sa center table. "Salamat, Mimi. Mag-iingat ka ha?" sabi niya sa akin at ngumiti.
"Ppalli wankwaehasibsio annyeong~" paalam ko bago lumabas ng unit niya {E/T: Get well soon. Bye~}
Dumiretso ako sa bus stop sabay tingin ng oras sa phone ko. May isa't kalahating oras pa bago magsimula ang klase. Nagulat ako nang biglang may tumakip sa aking bibig gamit ang isang panyo. Sinubukan kong kumawala ngunit mas malakas kaysa sa akin ang kung sino man ang taong iyon. Nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa ang huli ko na lamang narinig ang pag-andar ng isang kotse at boses ng mga lalaki.
Third Person's POV
Pumunta ang binata sa tambayan nila dahil hinala niyang nandoon din ang iba pa niyang mga kaibigan. Tama nga siya dahil naabutan niya sila sa loob ng maliit na bahay. "Nakatanggap ka rin ng text?" tanong ni Samuel sa kanya.
"Oo." Sagot ng binata.
"Sa dinami-dami ng tao, si Nami pa talaga. Nadamay pa tuloy ang walang kasalanan." Sabi ni Jaehwan habang nakayukom ang kamao.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?