Chapter 39 - Why

409 29 7
                                    

Nagsigawan ang mga estudyante nang umalis na ang kanilang huling Professor ngayong araw. Kanya-kanyang ayos ng kanilang gamit at sarili ang mga estudyante, ang iba naman ay nagmadaling lumabas ng kanilang classroom para makauwi na. Alas sais na rin kasi natapos ang kanilang klase.


Tumayo na ang dalaga at sinuot ang kanyang bag tsaka naglakad papalabas ng classroom. Nakita ni Jaehwan na palabas na ang dalaga kaya nagmadali ito para pigilang makaalis. "Nami, saan ka pupunta?" tawag ni Jaehwan.


Napatigil ang dalaga sa paglalakad at humarap kay Jaehwan na nakataas ang kilay. "Uuwi?"


"Hindi ka pwedeng umuwi ng mag-isa. Binilin ka sa akin ni Sam Hyung na 'wag daw kitang hahayaang mag-isa." Sabi nito kaya napa-irap ang dalaga. Bumulong ito gamit ang naiinis na tono ngunit hindi ito naintindihan ng binata. "Anong sinasabi mo?"


Tumingin sa kanya ang dalaga at ngumiti. "Wala. Pupuntahan ko naman si Rara eh. Sabay kami uuwi kaya mauna ka na." Sabi nito at muling humakbang ngunit hinawakan ni Jaehwan ang kanyang kaliwang braso.


"Hindi ba sinabi ni Rara na hindi siya makakasama sayo dahil may group project silang gagawin?" Nagtatakang tanong ni Jaehwan.


Natigilan ang dalaga at bigla na lamang napatawa. "Oo nga pala. Nakalimutan ko." Sabi nito at napakamot ng ulo. "Gabi na kaya umuwi ka na." Sabi ng dalaga at ngumiti ng matamis.


"Ihahatid na kita." Giit ni Jaehwan at babalik na sana sa kanyang upuan para kukunin ang gamit niya nang dumating si Samuel sa pinto ng kanilang classroom.


"Ako na lang. Umuwi ka na, Jaehwan. Maggagabi na." Sabi nito.


Tumango naman si Jaehwan at kinuha na ang kanyang gamit. Nagpaalam ito sa dalawa bago naglakad paalis kaya naiwan na lamang ang dalawa. Napa-irap muli ang dalaga at napahalukipkip.


"Ang epal mo naman, Oppa." Sabi nito at naglakad na palabas.


Natigilan si Samuel dahil sa hindi niya inaasahan ang inakto ng dalaga. Hinayaan niya na lamang ito at sumunod na sa kanya. Hinatid niya ito sa GHC gamit ang kanyang kotse. Nang makarating aygad namang bumaba ang dalaga at padabog na pumasok ng Condo.


Susundan pa sana ni Samuel ang dalaga nang makita niya si Rara sa labas na mukhang kakauwi lang din. Kumaway ito sa kanya at ganoon din siya. Hinintay niya munang makapasok ang dalawa sa loob bago niya muling pinaandar ang kanyang kotse at umalis.


Tinawag ni Rara si Nami kaya tumigil ito sa paglalakad. Napangiti naman ang dalaga at kumaway sa kanyang matalik na kaibigan. "Kaja." Sabi ni Rara at sabay silang sumakay ng elevator.


Nang makarating sa unit ni Rara ay agad na tumili si Rara kaya napatakip ng kanyang mga tenga ang dalaga. "Hindi naman halatang kinikilig ka?"


"Kilala mo talaga ako." Nakangiting sabi ni Rara at pumunta sa kusina.


Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now