Chapter 42 - Odd

375 26 3
                                    

Nasa College Building ngayon ang dalaga habang hinahanap ang matalik na kaibigan. Nangangati ang kamay na gumawa ng isang bagay dahil sa sobrang inis na nararamdaman. 


Nakasalubong niya ang kanyang hinahanap. Ngumiti ang kanyang kaibigan nang makita siya. "Oh, Nami! Napadpad ka ata dito?"


Hindi sumagot ang dalaga sa kanya. Nagulat ang mga taong nasa paligid nang dumikit ang palad ng dalaga sa pisngi ni Rara. Malakas ang pagkakasampal kaya nag-iwan ito ng marka sa mukha. Gulat ang rumehistro sa mukhua niya habang nakatingin sa matalik na kaibigan habang nakahawak sa kanyang pisngi.


"Para 'yan sa pag-agaw ng dapat ay sa akin." Nangangalaiting sabi ng dalaga habang nakatingin sa kanyang kaibigan.


"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Rara.


Kaunti lang naman ang tao sa parte ng corridor kung na saan sila. Ang iba'y nagmadaling umalis dahil alam nila na hindi na dapat sila makisali at ang iba naman ay wala talagang pake at napapadaan lang, pero hindi mawawala ang mga taong nakikiusisa.


"Ba't ganoon? Ako ang una niyang nakilala. Ako ang madalas niyang kasama. Pero bakit ikaw ang nagustuhan niya? Anong meron sa'yo?" Pasigaw na sabi ng dalaga. Hindi niya pa rin maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Nami. Nagseselos ba siya? "Inagaw mo siya sa akin. Matagal ko nang gusto si Jaehwan pero ang sarili ko pang kaibigan ang aagaw ng lalaking gusto ko!" Nagulat si Rara sa narinig. Hindi maaari.


Maglalakad na sana paalis ang kaibigan ngunit pinigilan niya ito. "Nami, sandali." Sabi nito habang hawak ang kamay ng dalaga. "Pag-usapan natin ito. Please."


Humarap muli ang dalaga. "Pag-usapan? Anong dapat nating pag-usapan? Wala naman. Wala."


"Please." Hindi mapigilan ni Rara na mapaiyak dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila nang dahil lang sa bagay na ito. "H-hindi ko alam na gusto mo si Jaehwan. Akala ko okay lang sayo kasi tinutulungan mo nga ako minsan na makausap siya. Tapos natutuwa ka kapag nagku-kwento ako ng mga nangyari kapag magkasama kami---"


"Ngayon alam mo nang may gusto ako sa kanya." Natahimik naman si Rara. "Nakakainis lang kasi pinakilala ko kayo para sa isa't-isa para maging mag-kaibigan. Turns out, mahuhulog ang loob niyo sa isa't-isa."


"N-Nami..."


"Simula ngayon, hindi na kita kaibigan. Kakalimutan kong nakilala kita. At kasalan mo ang lahat ng iyon." Inagaw ng dalaga ang kamay niya sa pagkakahaw ng kaibigan at naglakad paalis. Habang naiwan naman si Rara na nakaawang at hindi makapaniwala sa narinig. Sa isang iglap, nawala sa kanya ang kanyang matalik na kaibigan.


***


Ilang araw din ang nakalipas at hindi na nagpapansinan ang dating matalik na magkaibigan. Pagkatapos ng pag-aaway nila ay hindi na bumalik si Nami sa unit ni Rara. Hindi na rin sila nagkikita, nagkakasalubungan lang minsan sa hallway pero wala sa kanilang kumikibo.


Nagtaka ang Fam dahil hindi na pumupunta si Nami sa tambayan. Hindi na rin ito namamansin kapag kinakausap nila. Kahit mismo ang kaklase nitong si Jaehwan ay naiilang na sa kanya. Ayaw niya namang sayangin ang pagkakaibigan nila pero mahirap ang kanilang sitwasyon ngayon. Nagulat nga ito ng humingi ang dalaga ng pabor sa kanilang Prof na lumipat ng upuan.

Third Eye: The Destiny MissionWhere stories live. Discover now