Wala akong ibang ginawa kundi mag-aral noong weekend. Hindi lang naman ako kundi halos lahat ng esudyante. Noong lunes at martes ay napansin kong pursigido ang karamihan na makapasa para sa exam pero hindi rin mawawala ang mga estudyanteng walang pake kung hindi sila mag-aaral.
Ngayon ang unang araw ng mid-term exam para sa fall semester at hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Kanina pa ako pabalik-balik sa sala habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.
"Nag-aral ka naman Nami, ano ba?" sabi ko sabay hampas sa ulo ko. Ilang araw din naman akong nag-aral kaya dapat kampante ako ngayon. Hindi siguro dahil sa exam itong nararamdaman ko, parang sa ibang bagay. Ang kaso wala akong maisip na ibang pwedeng maging dahilan ng kaba ko ngayon.
"Walang mangyayaring kahit na ano. Kalma." Pagpupumilit ko sa sarili ko at huminga ng malalim. Tumingin ako sa orasan at maaga pa kung pupunta na agad ako sa Sara Claire. Naisipan kong pumunta muna sa balkonahe. Ang ganda ng tanawin mula dito sa itaas pero kahit na ganon ay hindi mawala ang nararamdaman ko.
Napatingin ako sa kabilang balkonahe. Nakapagtataka at bukas pa ang salaming pinto nito. Sa pagkakaalam ko ay nagsimula na ang exam para sa Business Administration kanina, hindi kasi pareho ang mga oras ng exam sa iba't-ibang courses.
Maya-maya ay nakarinig ako ng isang nabasag na salamin mula sa loob. Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang tumakbo palabas ng unit ko. Pumunta ako sa tapat ng unit ni Nathan at nag-doorbell. Ilang pindot ko pa ay wala pa rin na nagbubukas.
"Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali kanina pa?" tanong ko sa sarili.
Mas lalo ang kinabahan nang dahil sa wala man lamang na nagbubukas ng pinto o sumasagot mula sa loob. Napasapo ko sa mukha ko at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. "Nami, baka naman may nahulog lang na gamit ng hindi sinasadya." Pagkumbinsi ko sa sarili ko.
Tiningnan ko ang oras sa phone ko at may isang oras pa ako bago magsimula ang exam namin. Naisip kong hayaan na lang kung ano man ang nangyayari sa loob ng unit niya at nagmadali nang bumaba gamit ang elevator. Isa pa, anong pake ko?
Kailangan kong habulin ang susunod na bus para makaabot pa ako sa SCU sa tamang oras. Nakalabas na ako ng GHC at malapit na sa bus stop nang kusang tumigil ang mga paa ako. "AISH!" inis na sabi ko at muling tumakbo pabalik ng GHC.
Nakita kong binigyan ako ng kakaibang tingin nung guard. Bumalik akong muli sa tapat ng unit niya at nagdoorbell ng ilang beses pero wala talagang sumasagot. "Buksan ko kaya? Pero trespassing 'yon. Isa pa, 'di ko din naman alam ang passcode ng unit niya." Sabi ko at napakamot ng ulo ko.
Napatingin akong muli sa oras. Muntik na akong mapamura dahil paniguradong nakaalis na ang bus sa mga oras na ito. Napasapo na naman ako sa mukha ko. Dapat talaga hindi ko na ito pinansin pero malay ko ba kung may kung ano nang nangyayari sa loob.
Wala naman sigurong masama kung papasok ako hindi ba? Huminga ako ng malalim tsaka nag-isip ng posibleng passcode niya. Maaaring kaarawan niya o ng kahit sino pero wala naman ako masaydong alam tungkol sa mga personal niyang impormasyon. "Walang pag-asa para mabuksan k---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may maalala ako.
YOU ARE READING
Third Eye: The Destiny Mission
ParanormalPsst! Tama. Ikaw nga na nagbabasa nito. May tanong ako, kung may multong lumapit sayo't humingi ng tulong... Anong gagawin mo?