Nine: Another Day Passes By.
~Shelle's POV
"I love how your room smells just like you!" Ang galing lang talaga ng isang 'tong magpakilig. Sa mga simplent kumento lang niya kinikilig na ako.
"Alangan namang ibang amoy ng tao yung amoy ng kwarto ko eh ako lang naman yung napasok dito. Umupo ka na nga muna diyan, kukuha lang ako ng makakain natin sa baba." Sabay labas ko ng kwarto. Nakakagutom din eh saka breakfast pa lang nakakain ko wala pa akong lunch.
Pagdating ko sa baba medyo hinihingal pa ako. Ang hirap kasi nang mahaba yung hagdan niyo. "Beh? Ikaw ba 'yan?" Narinig kong tawag ni Mama galing sa kusina kaya dumiretso ako doon since doon din naman talaga ako pupunta.
"Ano 'yon, ma?" Nakangiti kong bungad sa kanila ni Papa.
Ngayon ko lang 'to sasabihin pero sobrang (as in SOBRA) childish ng nanay ko. Minsan lang 'yan magpakamature eh. One of the many reasons kung bakit best mother in the world siya. Hihi.
"Yup! I need you to bake..." pa-suspense much si Mama. "CUPCAKES!" Masiglang sigaw ni Mama. Akala ko naman kung ano, cupcakes lang pala. Kaloka.
"Mmkay. May ingredients ba tayo?" Napahawak siya sa baba niya na para bang nag-iisip pero alam ko na agad kung anong isasagot niya dahil sa pose niya. Sabi ko na nga ba eh, walang ingredients na binili si Mama.
Nginitian niya ako ng malawak na mas lalong nagpapahalata na guilty siya. "Hehe. Can you buy with Joshie?" Sabay beautiful eyes niya pero kahit di naman niya gawin, wala rin naman akong magagawa.
"Oo na po. Akin na money, ma." Di ko naman matitiis yung nanay ko. Nanay ko 'yan eh. Niyakap agad ako ni Mama. "Yey! ALAVYU 'NAK!" Isip bata talaga pero okay lang, cute naman.
"I know, I know." Nilahad ko yung kamay ko para sa pera kaya agad siyang dumukot sa wallet niya at saka niya nilagay sa kamay ko yung pera.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Buti na lang at tahimik yung pagpasok ko kasi nakatulog pala si Joshua sa couch ko. Nilapitan ko siya at saka ko inalis yung mga nakaharang na strands ng buhok niya sa mukha niya. Awtsu. Ang gwapo much. Parang deja vu lang kasi nung morning after prom night nakatulog din siya sa couch ko nung hinatid niya ako.
Humikab siya. Awtsu! Kung di lang siya tulog baka pinisil ko na talaga yung mga pisngi niya. Hihi.
"Shelle... you bad bitch," aray naman. Maka-female dog naman siya. Papanaginipan na nga lang niya ako naging bad bitch pa ako. Ang sakit naman nun.
"You don't know how I feel..." sige lang, Joshua. Magsalita ka lang, nakikinig ako. HAHAHAHAHA! Nakakacurious lang din kung ano yung mga nasa inner thoughts niya since di niya nababanggit sa akin.
"I—SHELLE!" Biglang dumilat yung mga mata niya kaya sa gulat ko'y nahulog ako patalikod. Nakakaloka. Grabe naman siyang managinip! Ang daming pwedeng mabulgar! Lalo na't nagssleep talking siya. Hihi.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...