Chapter 54

52 1 0
                                        

Chapter 54. How things are going.

 

 

~Shelle's POV

 

 

I want to go back home. I can't stand it here. I just can't.

 

 

"Hindi ka na makakaalis dito, Shelle. Hindi na kita pakakawalan pa. Magsasama tayo habang buhay. Habang buhay…" Hinawakan ako ni Jace sa mukha at pinaghahalikan. Ayoko na dito. Kuya, Joshua, Ate Star... kunin niyo na ako. Please, I can’t stand this anymore. I’m being sexually harassed every minute I in this room.

 

 

"Itigil mo na 'yan, Jace. Natatakot na yung babae," sabi nung Cara. Ba't hindi niya na lang ako pakawalan kung maaawa lang din naman siya sa akin? Hirap na hirap na ako. Ang sakit na nung kamay ko, sobrang higpit ng pagkakatali nila sa akin.

 

 

Nakakaligo nga ako pero natatakot ako kasi hindi pa rin nila ako pinapakawalan. Si Cara lang yung nagsasabon sa akin, siya yung nagpapaligo sa akin. Pinapakain niya din ako.

 

 

Ayaw ko man itong sabihin pero siya lang yung nakakaintindi sa akin ngayon. Kinakausap niya ako at nakikita ko talaga na naaawa siya. Hindi na niya ata nakayanan yung pinaggagagawa ng boyfriend niya sa akin. Sobra na 'to e. Sexual harassment na 'to. Kidnapping din ito, ang daming pwedeng ikaso sa kanila dahil sa mga pinaggagagawa nila sa akin.

 

 

Kapag umaalis si Jace, inaayusan niya ako. Nakikipagkwentuhan siya sa akin at sinasabi niya sa akin kung gaano niya kamahal si Kuya Drake, na nagsisisi na siya sa ginawa niya noon. Noong kinidnap niya ako at binugbog ng walang sawa.

 

 

Pero halatang-halata na may problema na siya sa pag-iisip kasi minsan, kakausapin niya na lang yung pader na para bang may tao doon kahit wala naman talaga pero kitang-kita din na nilalabanan niya ito.

 

 

Isang linggo na ako dito. Hindi pa ba darating sila kuya? Hihintayin ba nila na bumigay ako? Alam kong parang makasarili ako sa sinasabi ko… actually, hindi siya ‘parang’ kasi makasarili talaga ako. Pero anong magagawa ko? Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin dito, gusto ko nang makalaya. Masisisi niyo ba ako?

 

 

"Miss mo na siya 'no?" Agad niyang sabi matapos lumabas ng kwarto si Jace at yung mga kasa-kasama niya. Iinom na naman ata. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang uminom, ang malulong sa masasamang bisyo.

 

 

Tiningnan ko lang yung nakabukas na bintana ng kwarto na binuksan niya kanina. Nasa isa akong kwarto, may isang higaan dito at doon ako nakaupo. Naka-daster lang ako at tinitirintas niya yung buhok ko. Lagi niyang inaayusan yung buhok ko kasi ayaw ni Jace ipagalaw yung mukha ko.

 

 

Tumango ako bilang sagot. "Sabi na e. Miss ko na din siya e," napansin ko yung lungkot sa boses niya.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon