Thirty-Four point Five: Savior's Side.
~Starelle's POV
"Tahan na, babe. Mahahanap din natin sila." Pagtatahan sa akin ni Drake. Imbes na siya yung nagdadrama ako yung umiiyak eh.
Ang sakit kasi. Bigla na lang silang nawala, wala man lang iniwang note na aalis sila. Hindi tuloy namin alam kung saan sila hahanapin! Malilintikan talaga sa akin yung dalawang 'yon pag nahanap na namin sila!
Hindi na kami nagkaroon ng maayos na bonding dito. Bakit ba kasi 'to nangyayari? I don't even know if she already recovered from what happened last night! Tapos dadagdag pa 'to? Ano na lang ang gustong gawin sa kanya ng kidnapper?! She's mentally tortured already!
"I know, Drake. I know! I just can't take it anymore! Okay sana kung isang araw pa lang ang nakakalipas! Kakayanin ko pa! Pero isang linggo na silang nawawala! We don't even know if they're okay! O kung--kung--" niyakap ako ni Drake.
"Shhh. 'Wag mong isipin 'yan. I know how you feel, trust me, I would know. I'm her brother after all. We're going to find her, okay? Trust us. Hindi ko hahayaang makawala ng walang galos ang kung sino mang hinayupak ang gumawa nito sa kanya." Hinalikan niya ako sa noo.
Hindi na lang ako nagsalita. Alam ko naman yung efforts na ginagawa niya para mahanap yung dalawa. He hasn't been sleeping well at night. And it's paying off.
May nakakita pala doon sa dalawa na hindi lang agad nagsabi dahil sa takot. Nakita pala nila yung pagkakidnap doon sa dalawa at kung paano sinubukang tumakas nung dalawa pero to no avail. Pero alam nila kung saang way pumunta at pati yung plate number ng kotse nakita nila. Which is more than helpful para sa amin. Though the car's plate number turns out to be fake kaya hindi rin namin na-trace.
Pero I know Drake can dig his way around. I trust in him.
Shelle, kung nasaan ka man ngayon, hold on. We're going to find you. And Jeno, please take care of her. I wish you guys the strength you need.
~x~x~x~
Pasalampak kaming napaupo ni Drake sa sofa, we're dead tired from all the countless nights we haven't been sleeping well. 2 to 3 hours are enough for us to replenish our energy. Hindi ako makatulog sa thought na Shelle's somewhere out there, waiting for us to get her.
Dapat isang linggo lang kaming magbabakasyon dito sa island pero hindi namin sila kayang iwan. I don't care if we're missing out on the best opportunities at work, Shelle and Jeno's life are more important than any job in the world. Naiintindihan naman ng mga manager namin na emergency situation 'to kaya hindi na nila kami kinukulit. Minsan lang naman kaming mag-emergency leave eh.
Nandito pa rin yung mga bata kasi dalawang linggo pa naman bago magsimula ulit yung pasukan. Nakakatulong naman sila around here. Si Joshua... I'm worried about the kid. I've never seen him sleep for more than three hours the past two weeks, like me and Drake. Pero he's young, he should be taking as much sleep as possible pero wala eh, he's stubborn.
Alam naman namin kung gaano niya kamahal si Shelle. He must be worried sick about his fiancee. Who wouldn't be? She's been missing for two weeks now and every time, mas lumalala yung mga naiisip kong scenario. She could be... no, kasi if she was, we would've already found her body.
"Shelle..." napalingon agad ako sa nagsalita. Si Joshua lang pala. Nakatitig siya sa isang picture frame kung saan nakalagay yung picture ni Shelle when she was in middle school. "...I miss you. Where are you? Stop making me worry. You should've told me where you were going, even a note would've been sufficient. You should've let me come with you. Ah... fuck." Nalungkot ako lalo.
He's hurting so much and I can't bare to see him like this. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at saka ko nilagay yung kamay ko sa balikat niya. "Everything's going to be fine, Joshua. We're going to find them. Okay?" I assured him.
Ngumiti siya pero hindi niya inaalis yung tingin niya sa picture ni Shelle. Nilipat niya yung tingin niya sa window at doon ko napansin yung pagtulo ng mga luha niya pero agad din niya 'tong pinunasan.
Tinanggal niya yung kamay ko na nakapatong sa balikat niya at saka niya ako nginitian. "I'll be in my room if you need me." Sabay lakad niya palayo.
"Nakakaawa siya 'no?" Tiningnan ko lang si Drake na nakatingin pa rin sa walking figure ni Joshua. Napatango na lang ako at saka ako sumandal sa may bintana.
"What do we do?" Nilipat niya yung tingin niya as akin. "We keep looking. I'll keep digging until and even my body breaks down." Seryoso niyang sabi and I know if he says it seriously, he's dead serious and no one will be able to say anything to stop him.
"I'm with you every step of the way, Drake. I will help in any way I can." Nginitian niya ako pero halata sa mata niya na pilit lang 'yon. I don't blame him.
Kapag talaga nalaman ko kung sino 'yang kumidnap doon sa dalawa, hindi lang sapak ang makukuha nun sa akin! Ang sarap niyang ipalibing ng buhay! Sinusumpa kong hindi na niya makikita yung pagsikat ng araw.
I want to blame the world for the situation they're in pero alam ko namang God wouldn't give us a problem we can't fix. And I'll stick to that.
I just wish they're in good condition. Sana hindi sila pinahihirapan ng mga kumidnap sa kanila kung hindi baka mabaliw na talaga ako. Shelle and Jeno's parents don't even know they're missing because they trust Drake and I with the safety of their kids. Pero ito lang ang mangyayari?
Hanggat kaya pa namin, hindi muna namin balak sabihin sa kanila kasi alam na namin kung ano ang magiging reaksyon nila. Before this week ends, when we're still clueless as to where the two are, we plan on telling them about their missing children. Tita Laine would be so devastated to hear about this. I can't disappoint her, hindi ko kakayaning makitang masaktan si Tita. She doesn't deserve hearing this news. Kaya as much as possible, we're trying our best to find them before the week ends and that's not far off.
Shelle... Jeno... all I ask is hold on. We're doing all that we can on our side. Just hold on.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...