Copyrights © iammisscontented. All rights reserved. 2014.
Sabi nila, the truth will set you free, but will it really set her free? Or it'll just bind her more to the past than she already is?
Try to answer; will there be a happy ending to a story if there is no love? Will that love bring a happy ending to her story?
~x~x~x~
One: UHB—Unidentified Human/Handsome Being.
"Ayun! Ayun! Ayuuun!"
Tinulak ako ng mga kaibigan ko palapit sa kanya. Mga palakang 'to. Muntikan na akong mahulog! Ang taas pa man din ng stilettos ko. Mahirap na kung madapa pa ako sa harap niya. Ugh. So embarrassing!
Nasaan na ba kasi yung ka-date ko? Iwan ba naman ako? Ouch ha. Ganda-ganda ko t'as iiwan lang niya ako, buti pa nga siya pumayag ako na siya yung maging prom date ko e. Tsk. Dami pa naman diyan na gusto akong maging ka-date sa prom. Oo, nagpamamayabang na ako kasi bad mood ako. Hindi ko kasi naka-date yung taong gusto kong maka-date kasi natorpe ako.
"KYAAA~!" Nagulat naman ako sa biglaang pagtili ng mga so-called kaibigan ko. Ang iingay talaga. Makatili sila e... akala mo sila yung nasa posisyon ko. Sila kaya maglakad palapit sa crush nila para hingiin yung number? Upakan ko sila diyan e. Nahihiya na nga yung tao and they're attitude isn't helping me one bit.
"AAAAH!" Pinikit ko yung mga mata ko.
Fudge! Dapat pala talaga hindi 'tong stilettos yung ginamit ko e! Ayan tuloy, ang saya-saya, nadapa tuloy ako sa sarili kong damit! Kung bakit kasi ang haba ng gown ko. Huhuhuhu.
Sandali nga... nahulog ba talaga ako? Ba't hindi yata ako nasaktan? Para ngang walang impact e. Although naaalala kong may nahablot ako. Ang tanong, ano?
Dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko (para may effect, de joke lang.) May nakikita akong mga mata just below me. Nanlalaki yung mga mata na para bang gulat na gulat.
Panigurado akong nakita ko na 'tong mga matang 'to somewhere. Hindi ko lang talaga maalala kung saan. Saka yung labi ko, parang may natamaan din, ang sakit e. Parang nakalapag ata sa sahig? Eh kaso kung may tao sa baba ko edi ano yung nakalapat sa labi ko?
Bigla na lang akong napatayo nang pumasok sa kokote ko na tao pala yung nasa baba ko at labi pala niya yung nakalapat sa labi ko. 'Yon nga lang, sa taas ng stilettos ko at sa haba ng gown ko, naapakan ko ito kaya nadapa na naman ako pero this time, patalikod naman.
Ghaaad! Ito na lang ba ang drama ko? Ang madapa't mahulog? Nakaramdam ako ng pagsalo kaya nakahinga ako ng maluwag. "Whoa! Ingat-ingat din pag may time, beh." Sa tawag palang niya sa akin, kilala ko na agad kung sino yung sumalo.
My one and only brotha. Di ko nga alam kung ba't siya nandito sa prom ko e. Hindi naman na siya nag-aaral so baka business-related matters? Ewan. Basta nandito siya for some reason.
![](https://img.wattpad.com/cover/2224173-288-k431264.jpg)
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...