Eighteen: His Apology.
~Shelle's POV
Humikab ako at nagpalit ng posisyon... luh. Ba't parang ang lambot ng hinihigaan ko?
Binuksan ko yung mga mata ko at saka ko tinitigan yung hinihigaan ko. Ang alam ko is sa baba ako ng higaan natulog kasama si Joshua. Paano ako napunta dito sa higaan ko? Saka katabi ko si Joshua ah, pero ba't wala na siya sa tabi ko? Anyare?
Ay, baka nagising t'as di ko namalayang lumipat pala ako sa higaan ko. Makaligo na nga. Feeling ko kasi abot hanggang kay Jeno baby yung amoy ko eh. Yie. Myghad! Umagang-umaga, siya naaalala ko eh! Nakakaloka! Kumekerengkeng sa umaga eh.
Matapos kong maligo't magbihis at kung ano-ano pa eh bumaba ako para kumain. Sa taas palang ng hagdan, amoy na amoy ko na yung tempura eh. One of my faves talaga for life eh.
Ba't parang ang tahimik ng bahay? Wala akong naririnig na ingay... mukhang wala akong kailangang asikasuhin ngayon ah? Salamat naman sa Diyos kasi ayoko muna talagang makita pagmumukha ni Joshua. Kahit pa naawa ako sa kanya kagabi, iba pa rin talaga yung naaasar ako sa ginawa niya eh. Wala naman kasi sa lugar yung pagtapon niya sa phone ko. Syempre, ang tagal na rin nung phone na 'yon sa akin at may valuable memories akong nakalagay doon. Duh.
Matapos kung kumain ay naisipan kong maglibot-libot muna sa isla ko. Syempre bata palang ako nung huli akong nakapunta dito. Marami ngang pinagbago eh. Nagkaroon ng mas marami at mas umuusbong na greenery kaya parang presko na presko ang hangin dito. Ibang-iba sa hangin na nalalanghap ko sa Pilipinas.
Marami akong pinuntahan. Mapamalaki man 'yan o maliit, mapa-souvenir shop pa 'yan o mall, pinuntahan ko. I don't want to leave anything out. Gusto kong makita kung ano ang kalagayan ng mga nandito sa isla ko. May private sector nga 'tong island ko eh, dun nakatayo yung bahay ko. Hiwalay naman syempre yung private part ng family house. Syempre space ko for me lang dapat. Though hindi ko pa nabibisita 'yon, maybe next time, may caretaker naman eh. Mejj malayo rin siya sa heart ng island so nakakatamad.
Although iisa lang yung mall dito sa island, sulit naman dahil sa sobrang laki at kumpleto niya. Pwede mong maikumpara sa MOA, promise. Pero syempre mas maliit ng kaunti pero yung pagiging kumpleto ng iba't ibang klaseng shops niya is something that sparks interest among the consumers.
I was greeted properly naman by the employees. Ang cool nga eh kasi hindi pa nila nakakalimutan yung itsura ko, I mean I don't look that different compared to when I came here before. Saka they're updated naman daw sa itsura ko. Ewan ko ba kayna mudrabels, sinesend ata picture ko every year para alam nila kung sino yung totoong boss nila eh. Hahahahaha! Pero may iba ring nakalimot, of course. May iba rin kasing new employees na hindi updated sa akin. Wala namang kaso sa akin 'yon. At least now they know.
I just enjoyed myself though. Walang gumugulo sa akin, pero I seriously miss my phone. I have my DSLR camera with me and my other gadgets like my iPod and iPad but I had only one phone, I had only one Samsung because she was my baby. Pagdating kasi talaga sa smartphone, Samsung is my to go-to. Pero ngayon mukhang mapipilitan akong bumili ng bago. Hays.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...