Chapter 44

106 1 0
                                        

Chapter 44. Antagonist's POV.

~Cara's POV

"What the fuck, Cara?! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na mag-iingat ka?!" Sinubukan ko siyang lambingin pero hindi gumagana.

Ang tanga mo naman kasi Cara! Masyado kang na-excite kaya ayan! Napasabog mo nga 'yung villa pero walang kwenta pa din kasi nakita ka. Nakita ka ng sarili mong kapatid. Argh, fuck.

"Hindi ko sinasadya. Alam mo namang mabilis akong ma-excite e!" Nakakailang ulit na ba ako sa line na 'yan? Bwiset naman kasi 'tong boyfriend ko e. Mabilis maubos ‘yung pasensya.

Hindi naman talaga ako 'yung mastermind ng mga nangyari e. Kung hindi itong boyfriend ko. Naging 'kami' lang naman dahil parehas kaming may hinanakit sa lahing Fuentabella.

"Paano kung sabihin 'to ni Joshua kay Drake?! Anong gagawin mo?! Putang ina naman, Cara!" Nilakihan ko naman siya ng mata. "'Wag na 'wag mong dinadamay ang nanay ko dito kung hindi, ako mismo ang papatay sa'yong gago ka." Banta ko sa kanya.

Wala din namang kwenta 'tong pangbabanta ko sa kanya e. Kasi kahit ako ang mas matanda, wala pa ding pinagkaiba ang trato niya sa akin. Ganun pa din. Malupit, masama, walang pasensya. Buti nga't natiis ko pa siya e. Tinitiis ko lang din naman siya dahil sa gusto kong maghiganti kay Drake.

"Bakit mo kailangang bugbugin si Shelle? Sabi ko bantaan mo lang siya, hindi ba? Putang ina, kung ako kaya pumatay kay Drake?" Nanigas naman ako sa posisyon ko at tiningnan ko siya ng masama. "Oh ano? Tameme ka 'no? Kapag may masamang nangyari kay Shelle, hinding-hindi kita tatantanan kagaya ng ginagawa mo kay Drake ngayon. I WILL HUNT YOU DOWN." Nanggagalaiti niyang sabi sa akin bago lumabas ng sala at dumiretso sa may pintuan.

Puta. Alam niya talaga kung sino ang kahinaan ko. Ah, fuck. Nabbwiset kasi ako kapag nakikita ko si Shelle. Naaalala ko si Starelle. Puta. Magkatunog pa pangalan nila.

"Babalik na ako," matigas na sabi niya bago lumabas ng pinto ng condo namin. Pasalampak akong napaupo sa sofa.

"Puta, Jace. Putang ina mo. Ang sama-sama mo."

Hindi naman talaga ako ganito kasama e. Hindi ko naman dapat 'to gagawin e. Pero ang sama-sama kasi ni Drake. Bakit kailangan niya akong iwan? Alam ko namang ako pa din ang mahal niya e. Oo. Ako pa din ang mahal niya. Ayaw lang niyang aminin dahil akala niya ay nababaliw ako. Hahaha. Ang tanga niya 'no?

Baliw nga ako... baliw na baliw sa kanya. Sampung taon 'yon. Sampung taon na puro siya lang ang nasa isip ko. Anong magagawa ko kung minahal ko siya ng todo-todo? Kasalanan ko bang hanggang ngayon ay siya pa din ang mahal ko?

Puta naman Drake. Ang sama-sama mo. Bakit mo kailangang gawin sa'kin 'to?

~Jace's POV

Pinaharurot ko 'yung kotse ko pabalik sa Fuentabella mansion. Kung hindi kayo nakakahalata sa mga sinabi ko kanina, oo. Mahal ko si Shelle. Mahal na mahal. Mas matagal pa sa pagmamahal nung dalawang nanliligaw sa kanya. Labinglimang taon na akong patuloy na nagmamahal sa kanya.

Bata pa lamang ako, alam kong siya na ang gusto kong makasama habang buhay. Minahal niya din ako kaso anong nangyari? Dumating lang 'yung Joshua na 'yon, nakalimutan na niya ako. Ang mas malala pa doon, na-engage sila. Puta. Ganun ba ako kabilis kalimutan? Ganun ba ako ka-walang kwenta para ganun-ganun na lang itapon? Na parang wala kaming pinagsamahan?

Puta, Shelle. Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan. Minahal ko siya. Higit pa sa pagmamahal ko sa pamilya ko, sa sarili ko, mismong pati ang Diyos nakalimutan ko sa sobrang pagmamahal ko sa kanya e. Pero ito lang ba ang kaya niyang ibayad sa pagmamahal ko sa kanya? Hindi ba niya naisip kung gaano niya ako masasaktan?

Sobrang sakit para sa akin ang mga nangyari. Sa punto na muntikan na akong bumigay pero hindi ako nagpatalo. Pinilit kong ibalik 'yung pagtingin sa akin ni Shelle pero wala e. Mahal na mahal na niya si Joshua nun kaya sa sobrang galit at selos at lungkot na naramdaman ko, tinangka kong ipapatay si Joshua. Pero hindi siya napuruhan. Tumigil agad ako dahil sa nakita kong lungkot ni Shelle noong nakita niya 'yung kalagayan ni Joshua. Puta lang kasi.

Mahal na mahal na mahal ko siya e. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hanggang ngayon, siya pa din. Pero bwiset na bwiset na ako. Galit na galit na ako. Sobra na 'yung pagseselos ko kaya hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwede. Hindi ako makakapayag.

Dapat ako lang ang mahal ni Shelle. Dapat ako ang pakasalan niya. Hindi si Joshua. Hindi si Jeno. Dapat ako at wala nang iba.

Kaya gagawin ko ang lahat, makuha lang si Shelle.

Kung kailangan kong pahirapan at patayin 'yung dalawang sagabal sa pagmamahalan namin ni Shelle, gagawin ko. Mga walang kwenta naman sila e.

Dapat sa kanila, pinapatay.

END OF CHAPTER《

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon