Chapter 61

58 2 0
                                    

Chapter 61. Broken promise.

 

 

~Drake's POV

 

 

Akala niyo ba’y tapos na? Kung oo, nagkakamali kayo.

 

 

Nakaka-limang buwan na kasi at hindi pa rin nagigising si Shelle. Oo, na-coma siya. Ang dami rin niyang galos dahil doon sa mga bubog na sumaksak sa kanya noong nahulog siya sa sahig noon.

 

 

Nakakalungkot nga e dahil halos araw-araw na akong bumibisita pero wala pa ring improvements sa kanya. Papunta ako doon ngayon and hopefully, may naging improvement na. Kasama ko si Babe ngayon. Nagkaroon kasi siya ng modeling abroad at ngayon lang siya nakabalik.

 

 

Napasulyap ako sa kanya at nakitang namumuo na naman yung mga luha niya sa mata, naaawa ako para sa kanya kasi ngayon na nga lang siya makakabalik tapos malalaman pa niya na ganun yung nangyari sa kapatid ko na mas mahal pa ata niya kaysa sa akin. (Ouch. Biro lang syempre.)

 

 

Nang makapasok kami sa loob, halos mahimatay ako nang makitang nakabukas na yung mga mata niya pero syempre, hindi ‘yon nangyari kasi lalaki ako at kasama ko yung girlfriend ko at nakakahiya ‘yon. Tumakbo ako palapit sa kanya. Hinawakan ko yung mga kamay niya at saka ko siya nginitian.

 

 

"Sa wakas! Gising ka na rin! Na-miss ka namin, Shelle. Sobra. Kumusta ka naman? May masakit ba sa katawan mo?" Nginitian niya lang ako. Bigla namang pumasok si Jeno. Isa rin siya sa araw-araw na bumibisita, sobrang yaman na nila ngayon kasi nakabangon sila sa crisis na nangyari sa kumpanya nila.

 

 

Nagkaroon pa nga ng celebration e, invited ako syempre. Invited din si Shelle kaso nasa coma pa siya nun kaya dinalhan na lang namin siya ng cake kahit alam naming hindi din naman niya makakain. Wala na yung cake na ‘yon ngayon, tumigas na sa freezer, hahaha.

 

 

"Nandito ka na pala, kuya. Nakakatuwa 'no? Na makita siyang gising na. Pero, kuya... hindi pa siya nakakapagsalita. Hanggang ngiti, tango at iling lang ang kaya niyang gawin." Sabi ni Jeno habang sinusubuan si Shelle.

 

 

"Ikaw ba yung nandito noong binuksan niya yung mga mata niya?" Tumango lang siya bilang sagot. Nag-take over si Starelle at siya na yung sumusubo kay Shelle ngayon.

 

 

Naupo naman kami ni Jeno sa may couch sa tapat ng higaan ni Shelle. Gulat namin nang bigla kaming nilingon ni Shelle. Hindi na siya nakangiti ngayon. Napatayo ako at lumapit ako sa kanya.

 

 

"May masakit ba sa" Naputol yung sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita…

 

 

"N-Nasaan si J-Joshua?" Putol-putol pa yung pagkakasabi niya. Napatingin ako kay Starelle at Jeno na ngayon ay malungkot ring nakatingin sa akin.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon