Eleven: Cara's Move.
~???'s POV
I'll give you a few more days. After that, you'll just have to bid your fairy tale life a tearful farewell. After what your brother did to mine... you're going to pay.
You're going to pay for everything he did to my brother and I. Ipaparamdam ko sa 'yo yung sakit na naramdaman ko. Mas malala kong itatapon sa 'yo lahat. Tingnan natin kung makayanan mo ang dinanas ko.
The depression I've gone through almost made me lose my sanity... I hope you lose yours. Tingnan lang natin kung mahalin ka pa ng mga taong nakapaligid mo kapag baliw ka na at sira-sira na 'yang kagandahan mo.
I'll let you taste every drop of blood my brother tasted.
~Drake's POV
"Baaabe! Halika na! Kain na dito!" Inayos ko na one last time yung itsura ko at saka ko sinuksok sa bulsa ko yung cellphone ko. Kakalagay ko palang kinailangan ko na namang dukutin kasi tumunog siya.
Message:
I know you planned to kill him. I know you know what I mean.
Cara na naman? Aba'y walang sawa na niya akong tinetext ng mga panakot niya eh. Paulit-ulit na lang niyang pinapaalala sa akin yung nangyari noon, hindi pa ba siya nakukuntento na sobrang ingat ko na? Di pa ba niya ako titigilan? Aba'y king ina naman oh. Buti pa siya ang daming free time, di tulad ko na laging nagtatrabaho.
"Babe? Okay ka lang ba?" Natapon ko bigla yung cellphone ko sa kabilang side nung higaan nang maramdaman kong niyakap ako ni Starelle galing sa likod. Buti na lang at dun sa naka-carpet na bahagi nahulog kaya di gaano kaingay at mukhang di niya narinig.
"Okay lang ako, Starelle. Halika na, kain na tayo. May tiningnan lang ako sa cellphone ko kasi biglang tumunog," inakbayan ko siya at saka kami sabay na bumaba galing sa kwarto since nasa second floor yung kwarto namin.
"You sure? Baka ibang babae na 'yan ah!" She makes me want to pinch her cheeks so hard when she pouts. Natawa na lang ako, "Kung may ibang babae man ako, yung nanay mo 'yon. Text na naman ng text sa akin at lagi akong kinakamusta kung nahihirapan na raw ba ako sa 'yo o ano. Ibalik lang daw kita anytime." Natawa rin siya sabay hampas pa sa likod ko.
"Saka ba't ko pa ba iisipin 'yon kung meron na akong Starelle? Tama na yung sakit ng ulo na binigay mo sa akin sa limang taon nating pagsasama, ayoko nang dumagdag pa yung ibang babae. Saka ngayon pa ba ako manloloko?" Hinampas-hampas lang niya ako sa likod pero mukhang di pa rin siya kuntento sa mga sinasabi ko.
Hindi na ba 'to tumatabla sa kanya? Hindi na nga gumana yung pagpapataw, di rin gumana yung cheesy lines ko. Isa na lang ang natitira kong choice.
"Ipagpatuloy mo lang 'yang pagnguso mo baka mahalikan kita ng wala sa oras. Baka di mo man lang mamalayang buntis ka na pala," sabay ngisi ko. Natatawa ako sa sinabi ko eh. Kahit pa tagal ko na siyang sinasabihan ng mga ganito, parang every time is the first time.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...