Chapter 35

134 1 0
                                    

Thirty-Five: Third Strike.


~Starelle's POV 


Pagmulat na pagmulat ko ng mata ko, agad kong napagtanto na 'yon ang pinakaunang beses na nakatulog ako ng mahimbing. Agad akong napaupo nang mapansin kong wala si Drake sa tabi ko. Pero buti na lang at nag-iwan siya ng sticky note sa bedside table na sinasabing nasa sala lang siya. Ineexpect niya atang matataranta ako. Hindi ko kasi kakayanin pag pati si Drake mawala. I'm barely holding on with Shelle gone.


Tumayo na ako ng higaan at saka ko 'to inayos. Sinuklay ko yung bed hair ko, naghilamos na rin ako ng mukha at nag-toothbrush. Naligo na ako kaninang 5 AM since hindi ako makatulog.


Kakalabas ko pa lang ng kwarto nang makarinig ako ng mga boses sa sala. Alam kong si Drake yung isa pero sino yung dalawang smexy-ng foreigner na kausap niya? Hindi ko na muna sila inistorbo at saka ako tumambay doon sa pader. Hindi para mag-eavesdrop (weh?) kundi para bigyan sila ng oras para mag-usap... and para na rin mag-eavesdrop ng kaunti.


"You're obviously still punctual, Harry. It's good that you're here." Naks. Lakas maka-foreigner nung pangalan!


"Anything for her, Drake. You know that." Sabi nung Harry. Pinulupot nung isang lalaki yung kamay niya sa kamay ni Harry. Wow... sayang. Gwapo pa man din siya tapos... he obviously swings the other way. Ang saklap lang. Dami sanang nagkakandarapa sa kanya ngayon kung hindi siya... homo.


"Harryyyyy what are we still doing here? Let's explore the island! What are vacations for?" Ang ganda nung accent niya, halatang British.


"Shut it, Sam. I told you I'm here for something else. Will you sit down and stop bothering me? Don't interfere with my work." At saka tinulak ni Harry yung Sam paupo. Inirapan lang siya ni Sam at saka nag-cross ng arms at legs at binaling sa iba yung atensyon. Hayyyy... sayang talaga siya.


"Sorry about that, Drake. Anyway, give me all the information you've acquired the past two weeks. I'm sorry I had to be late. This guy had to drag me around Manila for two weeks!" Ahhh so dapat pala mas maaga pa siyang dumating?


Hindi na maganda 'tong ginagawa ko, nagiging seryoso na yung usapan nila. Tuluyan na akong bumaba kaya nabaling yung tingin sa akin nung tatlo. Nginitian ko lang sila. Baka mamaya ma-insecure yung Sam. Naka-tank top kasi ako saka leggings na itim kaya kitang-kita yung curves ko. Ehem. Ano ba 'tong iniisip ko!


Umupo ako sa tabi ni Drake na agad akong hinalikan sa pisngi at saka binalik yung atensyon niya kay Harry na nasa opposite sofa. Hindi man lang ako pinakilala. Pero sabagay, we are in a rush.


Ang lakas makatitig ng masama ni Sam. Para namang may gagawin ako kay Harry eh halatang kami ni Drake. Jusko! Di ako ganung klaseng babae! Matapos mag-usap nung dalawa, pinadiretso muna sila ni Drake sa mga kwarto nila sa left wing. Doon muna sila sa higaan ni Drake kasi nasa right wing kami natutulog.


"Sino sila?" Tanong ko kay Drake na ngayon ay minamasahe yung temples niya. He must be so stressed out. Hindi lang talaga halata sa mukha niya. 

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon