Chapter 60

68 2 0
                                    

Chapter 60. Let's end this.

~Blake's POV

Gusto kong gumalaw kaso hindi pwede. Napakagat na lang ako ng dila, you're digging your own grave, Jace. Ayaw mo na ba talagang makita si Shelle? Kapag tinuloy mo pa 'to, walang duda, malaki ang posibilidad na hindi mo na madatnan ang bukas. O kaya nama'y hindi ka na makaalis dito ng hindi bali ang mga buto mo.

Napangisi lang siya. Puta, anong nginingisi-ngisi mo diyan? Kung ako sa 'yo, kanina pa ako tumakbo. Masyadong delikado 'tong pinasok mo pero kahit ganoon ang lagay ng sitwasyon, hindi pa rin kami pwedeng umepal kung hindi baka kami pa yung mapahak at ayoko namang makita ako ng mga magulang ko na nakahiga na sa ospital kapag bumalik na sila from the middle east.

"Mahal mo talaga siya 'no?" Nakita kong lalong humigpit yung hawak ni Joshua sa leeg ni Jace. "Pasensya ka na lang dahil hindi ka na niya ma ack!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nangyari sa harapan ko.

Dumudugo na yung leeg ni Jace... pero paano? Anong nangyari? Binatawan na lang siya ni Joshua at walang malay siyang nahulog sa sahig. Nang tingnan ko si Joshua, walang bakas ng emosyon akong nakita sa mukha niya. Duguan yung kamay niya pero nakakapagtaka kung bakit dumugo yung leeg ni Jace, hindi ba dapat ay mawawalan lang siya ng hininga?

Inilahad bigla ni Joshua yung kamay niya kaya nagtinginan kaming tatlo. "Anong kailangan mo?" Tanong ko kahit ayokong magsalita. Nakakakaba kaya. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Do any of you have a tissue? I need to get rid of this blood on my hands... it's disgusting." Kinapa ko naman agad yung bulsa ko pero wala akong tissue. Buti na lang at meron si Ethan at agad niya itong inabot kay Joshua.

Pasalampak naman itong umupo sa sahig kaya naglakas-loob akong lapitan si Jace para makita kung anong nangyari sa kanya. Nang makalapit ako, lalo akong nagtaka. Walang kahit anong sugat siyang natamo, duguan lang talaga pero walang kung anong sugat.

"I didn't do anything to him, he simply was in shock when I squeezed his neck a bit too much but he'll be fine. About the blood, it was there all along. I received a deep scratch on my palm when I landed on the rough floor while I was dodging his attacks a while ago. It bled but he didn't notice so when I squeezed his neck, he thought the blood was his." Ahhh. Ganun naman pala yung nangyari. Mautak talaga ‘tong lalaking ‘to. Hindi ko man lang napansin ‘yon.

"He's pretty dumb, don't you think so?" Natatawa niyang sabi habang binabalot niya yung kamay niya nung bandage na binigay sa kanya ni Ethan. Kaya pala ako lang yung mukhang nagulat sa aming tatlo. Nakita pala nila na dumugo yung kamay niya kanina.

Nabaling agad yung atensyon namin kay Wiz nang biglang tumunog yung phone niya. Sinagot niya ito at hinintay namin kung ano yung magiging reaksyon niya sa tawag pero lagpas limang minuto na at wala pa ring reaksyon galing sa kanya.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon