Thirty-Two point Five: Second Strike.
~Shelle's POV
Naisipan naming dumaan sa isang restaurant na pag-aari ng pamilya ni Jeno bago kami bumalik sa villa. Ito lang yung nag-iisa nilang restaurant dito na pinayagan nila mama.
Japanese-themed yung restaurant nila na 'to, with sushi and everything. And I love my sushi and sashimi. Naka-kimono pa yung mga waiter and waitress dito. Everything will just take you back to Japan kaya patok din 'to sa mga turista dito.
Nag-offer pa nga si Jeno na ilibre ako pero hindi ko na tinanggap. Gusto kong magbayad para may maitulong naman ako sa business nila since they're in a crisis right now. Dinamihan ko na yung order namin kasi breakfast naman and breakfast is the most important meal of the day. And takeout naman kasi may mga gutom na kaibigan pa kaming papakainin sa villa na malamang gigising na any time soon.
Nang makuha na namin yung order namin, lumabas na kami. Kumpara sa dagat, mas kakaunti yung tao dito. I can't blame them, ang sarap ng simoy ng hangin sa dagat eh. Saka it's pretty cold here. And no doubt, the sea's view is breathtaking.
Paglabas namin, kailangan pa naming tumawid ng isang street para makarating sa kabilang street at sa pinakamalapit na corner sa left, liliko kami at lalakarin namin 'yon nang diretso hanggang sa makakita kami ng park sa dulo na may sobrang laking puno. Kakaliwa kami sa park na 'yon at matatanaw na mula doon yung villa since 'yon lang naman yung matatanaw doon kasi puro puno na.
Medyo malayo pero okay lang! Exercise--ulol! Anong exercise eh kanina ka pa nga nanginginig eh! Nag-shorts ka pa kasi! Ang lamig pa naman kasi winter na. Mas malamig dito sa isla namin ng 50% kumpara sa Manila kasi malayo-layo 'tong island sa pampang ng Luzon.
Naglalakad na kami ni Jeno sa first street habang nagkekwentuhan. Nakapula naman yung traffic light kaya safe kaming umaan. Pero laking gulat namin nang may biglang dumiretso na itim na kotse sa amin eh dapat nakatigil yung mga kotse. Napatakbo tuloy kami ni Jeno pero tumigil 'to sa corner na nasa harapan na namin ngayon.
May mga lumabas na lalaki, tatlo sila at puro naka-itim. Men in Black lang ang peg? Joke shemay kinakabahan ako ba't sila palapit sa amin!? Hinawakan ko ng mahigpit yung arm ni Jeno since naka-link ako ng kamay sa kanya.
Potek di ba kami napapansin nung mga driver? Hindi ba nila ako namumukhaan jusko! Ba't walang tumutulong sa amin? Nasaan na yung mga naglalakad na mga tao dito kanina?! Potek! Bad timing! Walang katao-tao at ang layo nung traffic light!
Bigla nilang hinawakan si Jeno kaya hinila ko siya pabalik sa tabi ko pero mas malakas sila sa akin. Ang hihigante ng mga 'to eh! Mga bakulaw! "Hala! Kuya! Grabe! 'Wag niyo namang kunin yung kasama ko! Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo?!"
"'Wag kang maingay!" Sabi nung isa. Nakatakip yung mga mukha nila, yung tipong manghoholdap ng bank yung itsura nila! What the freak?!
"Ay, kuya! Anong gagawin niyo sa akin!? BITAWAN NIYO AKO!!" Pero wala talagang tao. Nasaan ba yung mga tao?! Ano bang gagawin sa amin ng mga 'to?! Anong kailangan nila sa akin? Shems natatakot na talaga ako. Anong nagawa ko?!
"'Wag ka ngang gumalaw, Shelle!" Wait... ano raw? Natigilan kami ni Jeno sa pagpiglan namin sa mga nakahawak sa amin (dalawa sa kanya, isa sa akin) at saka kami nagkatinginan ng matagal.
Hindi ko na napigilan yung tawa ko at natawa ako ng napakalakas--unladylike, I know. "Ikaw pala si Shelle?! HAHAHAHAHA!" Inirapan lang niya ako at saka binaling yung tingin niya kay MIB 1.
"Mangingidnap na nga lang kayo, di niyo pa alam kung sinong kinikidnap niyo. Kuya naman, mukha bang panlalaking pangalan yung Shelle?" Natawa ako lalo sa explanation niya. Halatang inis na inis siya. Nakakainsulto rin naman kasi matawag ng pambabaeng pangalan.
"Mag-aral ho muna kasi kayo kay sa mag-easy money. Kayo rin makakarma." Sabay irap niya kay MIB 1. Natawa ako lalo, someone's pissed off. HAHAHA! Ang saya lang niya asarin lalo. Pero mukhang bad move kasi mukhang mas lalong nainis yung lalaki.
"Edi ikaw si Shelle?!" Naiinis na sabi sa akin ni MIB 1.
"Kuya... ano ba namang tanong 'yan? Natural! Ako lang naman babae dito, diba? Edi ako yung Shelle! Shunga lang?" Umiiling-ilong kong sabi--bad move again.
"Tumahimik ka nga! Bahala na, ipasok niyo na nga yung mga 'yan!" Utos ni MIB 1 kaya naglakad na ulit yung mga macho habang hila-hila kami. Ang mamacho eh. Kahit anong piglas namin, hindi gumagalaw yung dalawa.
Napansin kong nakatingin sa akin si Jeno kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang may plano siya ah. Sinenyasan niya akong sipain yung ehem nung MIB 2 na nakahawak pa rin sa kanya para mabitawan siya. Tumango lang ako at nang makahanap ako ng timing, sinipa ko yung baby maker ng MIB 2 at MIB 1. Wow. Saan ko nakuha yung skills na 'to? Gumalaw na lang yung katawan ko eh.
Sa sobrang lakas ng sipa ko, nabitawan niya si Jeno at parehas na silang nakayuko sa sahig. Siniko ko si MIB 3 kasi nag-iisa lang siyang nakahawak sa akin at makakatakbo na sana ako nang mahawakan nung--POTEK MAY MIB 4 PALA!!! YUNG DRIVER!!! HINDI KO NAPANSIN POTEK!!!
"JENOOOO!!!" Sigaw ko. Napalingon siya at nang hihilain na niya yung nakalahad kong kamay, nakasinghot ako ng isang hindi pamilyar na amoy at--
~Starelle's POV
Nasaan na kaya yung dalawang 'yon? Kanina pa namin sila hinihintay dito sa villa eh. For some unknown reason, kanina pa wala sa bahay si Jeno at Shelle. I'm getting really worried about the two. Baka nakidnap sila? I'm scared. According to the guards, limang oras na mula nung lumabas sila ng villa na walang dalang kotse.
"Baka naman nag-date lang yung dalawa? I mean since nanliligaw si Jeno kay Shelle?" Suhestyon ni Avi.
Nabaling agad yung atensyon namin sa pintuan nang bigla 'tong magbukas at pumasok si Drake at Joshua. Hinanap kasi nila yung dalawa kasi baka nasa beach lang o somewhere in town.
"Wala sila sa mga kalsada and they weren't in every freaking store! We checked everywhere and they're nowhere to be found!" Pasalampak na umupo si Drake sa tabi ko.
"But when we tried Jeno's restaurant, the staff said the two were there but left after order breakfast for us. But it was only up to the point, after they crossed the street, they didn't see them anymore. They heard the two talking about going home but they weren't on the way." Joshua says, crouching against the door with his head in his hands.
Why her? Why now? Of all people! Kakarecover niya lang from what happened last night and I'm not even sure if she did recover or not!
Inakbayan ako ni Drake at saka ako niyakap ng mahigpit. It made me lose it. Humagulgol lang ako nang humagulgol sa dibdib niya. I knew something was off. I know my instincts are right... my baby... my poor baby... she's in danger.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...