Seventeen: Thoughts and Tears.
~Shelle's POV
Hindi kaya siya yung lalaking naging boyfriend at fiance ko sa mga nakaraang memorya ko? Sandali nga. Ano ba 'yan, kung anu-ano na yung pinagsasasabi ko eh. Nafufrustrate lang ata ako kasi gustung-gusto ko na talaga malaman kung ano yung nangyari sa akin noon. Saka baka hindi ko lang maalala na nasabi ko pala sa kanya 'yon noon... which is highly impossible.
Why? Eh ba't ko naman kasi sasabihin sa kanya 'yon eh last month lang kami nagkakilala. Ngayon ko lang naman naranasan na umalis siya sa tabi ko ng ganun katagal eh. Saka kung siya nga yung nasa mga flashbacks ko, ba't hindi niya nababanggit sa akin na may nakaraan kami? Bakit hindi niya agad sinabi sa akin na magkakilala na pala kami noon pa?
Ugh. The more na naririnig ko yung tanong na 'bakit' the more na naaasar ako at nafufrustrate. They're hiding something from me, I can feel it. Kung ba't di na lang kasi ikwento sa akin ng pamilya ko eh. Ano ba kasing nangyari noon na hindi nila gustong ipaalam sa akin? It's my past, I deserve to know.
"What's wrong?" Binaling ko sa kanya yung tingin ko. Tutal hindi naman ako ganun kagaling sa pagsisinungaling, I'll ask him straightforwardly. "Sabihin mo nga sa akin, Joshua. Nasabi ko na ba sa 'yo yung line na 'yon noon?" Napansin kong medyo nanlaki yung mga mata niya at napalayo siya sa akin ng konti. Hindi naman ata siya magrereact ng ganyan kung hindi niya alam yung ibig kong sabihin, diba?
"Bakit ganyan yung reaksyon mo? May alam ka ba sa nangyari sa akin noon?" Napakamot siya ng ulo at napatayo, timing naman na napansin kami nila kuya at saka sila agad na lumapit sa amin.
"Oh! Nandito ka na pala, Shelle! Joshua! Kailan ka pa nakarating? Miss mo na ba 'tong--" natigilan si Kuya mid-sentence. Kumunot yung noo ko.
Nakapunta na siya dito? Tinitigan ko si Kuya na umiling lang. Nilipat niya yung tingin niya kay Ate Star. Why aren't they opening up the topic? Totoo ba ang hinala ko na tinatago nila sa akin yung talagang nangyari sa akin?
Tumayo ako. "I want the truth and I want it now," nanlaki yung mga mata nila sa sinabi ko. Hindi naman sila magrereact ng ganyan kung wala silang tinatago sa akin, diba? If they really knew me, they'd know I hate liars above everything else.
Since mukhang wala naman silang balak magsalita, umalis na lang ako doon. Hindi na nila ako sinubukang habulin pa. If I remember something about my past, it's that one thing that threatens anyone who comes near me when I'm pissed off... especially when I'm mad.
I want to get out of here as soon as possible at kung pinili nilang 'wag buksan yung topic nung nakaraan ko, I'll find out myself. I should've done this a long time ago.
~Drake's POV
"Anong ginawa mo?! Anong sinabi mo sa kanya?!" Kinwelyuhan ko si Joshua. Hindi pwedeng malaman ni Shelle! Hindi ako makakapayag na bigla na lang niyang malalaman!
"Kuya--I didn't mean to! Slip of the tongue lang 'yon!" Susuntukin ko na sana siya nang awatin ako ni Starelle. "Drake! Ano ba! Walang ginawang kasalanan si Joshua! Alam mo naman kung gaano niya pinahahalagahan si Shelle eh! Normal lang na mangyari 'to sa dami ba naman ng kanilang pinagsamahan!" Binitawan ko si Joshua nang makita ko yung punto ni Starelle.

BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...