Chapter 50. Slowly... we will know the truth we seek.
~Joshua's POV
I caressed Shelle's face and intertwined our fingers together. "Shelle... you're going to be okay. I'll make sure you'll be fine." Bulong ko sa kanya.
We're on our way to the hospital Brent's family owns. For some reason, we don't trust any doctor aside from Doctor Rodriguez since he knows about Shelle's past and he perfectly knows what's going on with her.
I just wish she'll be fine. Nothing would make me happier.
~Brent's POV
Napatingin ako sa side mirror. Hawak-hawak pa rin ni Joshua yung kamay ni Shelle. Napabuntong-hininga na lang ako at pinikit yung mga mata ko para makalma ko yung sarili ko. Wala namang magandang maidudulot kung magwawala ako at magagalit. Oo, kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya pero nag-iisip din ako ng mga posibleng rason kung bakit siya pumunta sa barilan.
Agad naman kaming nakarating sa ospital at dinala agad siya kay Doktor Rodriguez. Siya lang ang pinagkakatiwalaan namin ngayon. Siya lang ang makakapagsabi kung ano talaga ang nangyayari kay Xrizshelle.
Himala nga e. Wala pa ring nakakarating na balita tungkol ditto sa mga magulang nila ni Drake. Pinipilit talaga ni Drake na 'wag makalabas yung nangyayari kay Shelle. Napatingin ako sa kanya, nakasandal lang siya sa sandalan ng upuan niya at kapag hindi mo alam yung mga nangyayari, iisipin mong wala siyang problema kasi composed lang siya.
Pero nakakamangha talaga ‘tong kakayanan ni pareng Drake, ang dami na niyang sinakripisyo para lang sa kapatid niya. Gagawin niya talaga ang lahat para kay Shelle, ang nag-iisa niyang kapatid. Makes me wish I had a little sister to protect, too. Okay lang kahit wala, basta naaalagaan ko pa rin si Shelle. As long as she’s my labs, I’m content.
Sumandal na lang din ako sa sandalan ng upuan ko at pinikit ang mga mata ko ulit. Paniguradong gumagawa na ngayon ng paraan sila Jace na mapabagsak ang Fuentabella group. Pero duda ako na magagawa nila 'yon. Ngayon pa na in charge si Drake sa security ng business nila. Dumadaan sa kanya halos lahat ng impormasyon bago malaman ng mga magulang nila. Kaya nga wala pa ring alam sa mga nangyayari ang magulang nila e, nakakatakot lang kapag bigla silang bumalik dito.
Jace... ano bang plano mo? Bakit mo 'to ginagawa? Dahil ba binasted ka ni Shelle? Sobra na 'to. Baliw ka na kung ganun. Mag-isip-isip naman sana siya. Sobra na 'tong ginagawa niya. Nadamay niya tuloy si Cara.
Si Cara naman, noon pa talaga may sira sa utak 'yon. Wala nang ibang bukambibig 'yon kung hindi si Drake. Lakas ng tama ng gaga na 'yon kay Drake e kaya hindi na ako nagtataka na gusto niyang maghiganti. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang baliw? May sira na din ata sa utak yung taong ‘yon.
"Hey, guys." Napatingin agad kami sa pinanggalingan ng boses. Si Rain lang pala. Akala ko kung sino na. Wait... si Rain?! Paano siya napunta dito?! Paano niya nalaman na nandito kami?!
"Rain? What're you doing here?" Guess I'm not the only one who's surprised to see him here. Tiningnan niya muna ako bago siya ngumiti. Pekeng ngiti kumbaga. Sino ba namang makakangiti sa ganitong sitwasyon? I know I can't.
"Nasaan siya?" Paano niya nalaman na nandito si Shelle? I'm pretty sure walang nagsabi sa kanya kung anong nangyayari sa kababata niya. Tiningnan ko naman si Drake na nakatingin lang kay Rain ng walang kaemo-emosyon. Mukhang hindi din niya alam na susulpot si ulan dito.
"How'd you know we were here? How'd you know she's here?" Tanong ulit ni Joshua.
"I told him," akala ko si Drake yung nagsalita... hindi pala. Nasa likod pala niya yung nagsalita. At sino naman 'to? I believe I've never seen him before. O baka naman hindi ko lang maalala.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...