Chapter 23.5

177 2 2
                                    

Twenty-Three point Five: Slowly Reveal.


~Joshua's POV


"Class dismissed." Inayos ko na yung bag ko at sinaklay ko 'to sa balikat ko. Hihintayin ko pa sana si Shelle pero di ko napansin na nauna na siya at palabas na siya ng pintuan nung mapansin ko siya. Weird... we usually wait for each other.


Tinapik ko siya sa balikat nang mahabol ko siya. "Hey..." nilingon niya ako pero mabilisan lang kasi nasa gitna kami ng pintuan. "Ano? Okay ka na ba?" That sounded so sarcastic contrary to the visible worry look on her face.


"What do you mean?" Nakakunot na yung noo ko ngayon. "Diba may bumabagabag sa 'yo kanina?" Ganun ba ako kanina? Luh? Bakit? Di ko man lang napansin na ganun na pala ako.


"Sorry about that. I didn't mean to. I was just..." I can't tell her... not like this. "...thinking."


Kumunot yung noo niya pero fast enough na wala na agad siya matapos ang isang pagpikit ng mata. "Yeah... right." Mukhang hindi ko siya napaniwala sa sagot ko.


Maganda na 'yon kay sa namang sabihin ko sa kanya na liligawan ko siya out of nowhere. I need a plan. I have to make it perfect.


~Shelle's POV


Ano ba 'yan. Ako na nga nagmagandang-loob na tanungin siya kung ano yung bumabagabag sa kanya kanina, nilihim pa rin niya. Nakakatampo tuloy. Pero bayae na, privacy na rin niya 'yon.


Tumunog yung phone ko kaya tiningnan ko kung sino yung nagmessage sa akin. Kuya Drake? Ano meron?


Message:

Nasa labas ako ng academy. I'm waiting.


Luh? Susunduin ako ni Kuya? Back to the old routine ba? Nakakatouch naman. Nagmadali ako sa paglalakad kasi alam ko namang masikip yung schedule ni Kuya.


"Hey! Why're you in such a hurry?" Habol sa akin ni Joshua. I almost forgot na magkasabay pala kami. "Uy, ano, uuwi na ako eh. Mauna na ako sa 'yo ha?" Ayoko nang abalahin pa si Kuya.


"HOY! BABAITA! Hindi mo man kami hinintay! Walang hiya ka!" Ah... alam ko na kung kanino nanggagaling ang napakagandang boses na 'yan. Napa-V sign na lang ako pagkalingon ko. "Sorry. Nagmamdali ako eh." Aalis na sana ako nang hilain niya yung kamay ko.


"Sino ba 'yang knight in shining armor mo na magsusundo sa 'yo? Si Jeno ba 'yan? Kaya ba madaling-madali ka?" Nailang ako nang banggitin ni Mavi yung pangalan niya. Tiningnan ko lang siya ng masama. Pinoprovoke niya si Joshua eh. Alam na kasi nila yung lahat ng nangyari nung wala sila. Simula nung prom hanggang sa kahapon.


"Ano ka ba, Mavi. Si Kuya susundo sa akin 'no!" Paglilinaw ko. Mahirap na ang magkaroon ng misunderstanding. Kumaway na ako at saka ako naglakad palayo nang biglang sumigaw si Rain. "TAMBAY SA BAHAY NI SHEEEEEEEEEELLE!" Napapunas ako ng mukha. Wala nang takas pag inanunsyo na ni Rain.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon