Chapter 57. Start moving.
~Shelle's POV
So, I see.
We weren't able to get out of this sickening place. Maybe because I was too weak. Who else would I blame but myself? Cara did her part, t'was because I couldn't carry my own body. I was too weak and fragile. I depended on her too much on getting me out of this place.
Napakagat ako ng labi nang marinig kong nawakasan yung pagsisigawan ni Jace at Cara. Ibig sabihin niyan, dito na siya sunod pupunta. Ako na ang sunod niyang pupuntahan.
Kung binubugbog niya ako noon dahil sa ayaw niya yung mga sinasabi ko na kontra sa kanya, ano naman kaya ngayon yung gagawin niya lalo na't muntikan na akong makaalis dito? Nakakatakot lang isipin yung mga posibilidad.
Narinig kong nagbukas at nagsara yung pintuan. Ito na. Dahan-dahan akong tumingin sa may pintuan at bigla na lang akong nakaramdam ng isang malaking impact sa pisngi ko. Akala ko 'yon lang yung gagawin niya sa 'kin pero sandal ko atang nakalimutan na si Jace pala itong kaharap ko dahil matapos niya akong sampalin ng pagkalakas-lakas, hinawakan niya pa yung buhok ko at hinila ito para sapilitang maiharap ako sa kanya.
"Anong akala mo? Na pababayaan lang kita matapos mong magtangkang tumakas? Aba. Gago na lang ang gagawa nun." Mas lalo niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko. "Hinding-hindi ka makakaalis dito, Shelle. Hindi ako makakapayag na mangyari 'yon. Akin ka lang, Shelle. Ilagay mo 'yan sa kokote mo. Hinding-hindi ka makukuha ni Joshua sa akin kasi akin ka lang."
Nasusuka ako, nagagalit at naaawa. Ang sama niya kasi. Hindi na siya naawa sa sarili niya. Masyado niyang pinapahirapan yung sarili niya by staying in the past. By imagining that we were together when I haven't had any feelings for him whatsoever before and until now, nothing changed. Nakakaawa siya dahil pinipilit niya ang sarili niya sa 'kin kahit hindi naman dapat. Nagmahal na lang sana siya ng iba, pinahihirapan niya yung sarili niya e.
Napangisi ako kahit masakit yung pisngi at panga ko na kaunting galaw lang sa mga ito, napipilitin akong lumuha. Pero syempre, hindi ako iiyak sa harap ng isang taong tulad niya. Mangarap na lang siya na luluhod ako sa harap niya kasi hinding-hindi ko 'yon gagawin. Kahit bugbugin niya pa akong ng walang sawa, hindi ko ‘yon gagawin.
"Anong nginingisi-ngisi mo?!" Pagtataas niya ng boses sa 'kin.
"Natatawa lang ako kasi kung makapagsalita ka akala mo kalaban ka," tinaasan niya ako ng kilay. Huwaw. May pataas-taas ng kilay pa siyang nalalaman. Mas natatawa tuloy ako. It’s the only way I can feel that I’m still somewhat strong on the inside – by verbal fighting.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Fiksi Remaja[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...