Fourteen: More Kisses?
~Jeno's POV
Walang kumibo sa aming dalawa. Napatitig lang ako sa kanya at matagal na walang gumalaw sa aming dalawa. Shit! Masama bang kiligin ang isang lalaki kasi tae kinikilig talaga ako.
Bigla na lang lumayo si Shelle pero hindi pa rin ako natatauhan. Natural medyo lutang pa ako. First kiss namin 'yon eh natural gulat pa rin ako. Nakahilata pa rin ako sa sahig, hindi ko man lang maramdaman yung lamig nung sahig dahil isang scenario lang yung nasa isip ko. Yung halik namin at yung pulang-pula niyang mga pisngi.
"So-Sorry... di ko sinasadya," naiilang na sabi ni Shelle habang inaalalayan akong tumayo. Pagkatayo ko nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napaiwas ng tingin. Shet naman kasi eh, ang lambot nung labi niya, gusto ko pa. Baka kung anong magawa ko sa kanya kaya kailangan kong kontrolin sarili ko. I don't want to ruin the chance she gave me.
"Okay lang 'yon. Di mo naman sinasadya," simpleng sagot ko kasi di ko talaga alam kung paano ako sasagot after nun. Inalis ko na lang yung atensyon ko sa labi niya kasi naalala kong may buong araw pa pala kami at hindi ko na sasayangin yung oras.
"Tara na, Shelle. May pupuntahan pa tayo," aya ko sa kanya. Di ko nga matingnan sa mata eh. Hinawakan niya yung ulo ko at hinalikan sa pisngi pero yung mabilis lang. Tangina. "I'm sorry talaga." Tumango-tango lang ako.
Can I die now? Ay, wait. Di pa pala ako pwedeng mamatay, kailangan maging kami muna ni Shelle. Kailangan. HAHAHAHA! Naglakad na siya paalis kasi magbibihis pa raw siya. Nakapambahay lang siya kanina eh. Naeexcite na nga ako eh.
~Shelle's POV
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. FUUUDGE!! Nagkahalikan kami ni Jeno! Omg! Kinikilig ako! Omg! First kiss naming dalawa 'yon! OMG! Nagkahalikan na kami ni Joshua noon pero this time, fudge talaga! Gustung-gusto ko na siyang lampungan kanina eh! Kung di lang ako nahiya saka may pride pa rin naman ako as a lady. Pero fudge talaga, ang lambot nung labi niya! Uuuugh! And he as so sweet, too! And honest! I fell in love with the perfect man! GAAAAAH!
Pero fudge! Yung ako pa mismo yung humalik sa pisngi niya! Myghad, Shelle! The guts! You've got the balls! Pero ang amazeballs kasi nung kiss tapos yung labi niya tapos di ko na napigilan yung sarili ko kaya hinalikan ko na siya! Apology kiss lang naman eh... yeah, there's no malice... yeah... SINONG BINIBIRO KO?! KINIKILIG AKO, FUDGE! Kinikilig ako na nahihiya dahil sa ginawa ko! What to do?! GAAAAAAH!
Fudge, omg. Mamaya na nga muna feels ko sa labi niya! Kailangan ko pang ayusin sarili ko kasi may date pa kami ng babes ko. Panira kasi ng mood yung niluto kong tae na pinatungan ng sandamakmak na cheese. Kaloka!
~x~x~x~
I find my outfit very comfortable and casual. I picked the perfect one. In fairness, ang tagal ko ring mamili t'as rumampa-rampa pa ako pero ganito lang pala kasimple yung perfect outfit para sa date namin.
It's a simple three-fourths-sleeved pullover and denim shorts na medyo may pagkasira-sira sa baba that contributes to it's style and a pair of white pointed flats. Oh, diba? Detailed na description and it's casual in every aspect. Nilagay ko na yung iba ko pang kailangang gamit sa shoulder bag ko na may pagka-cream yung color at saka ako bumaba.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...