Chapter 42 - First War.

110 1 3
                                    

Chapter 42. First war.

~Starelle's POV

Pinagpala kami ng Diyos. Nahanap na namin kung saan tinatago sila Shelle at Jeno. Sobra akong nagpapasalamat kay Harry. Kung hindi sa kanya, we wouldn't have found the children. How I miss Shelle so much. Ngayon na makikita na naman siya, babantayan ko siya. I will hire the best body guards out there to protect her. Hindi ako makakapayag na walang magbabantay sa kanya ngayon na may gustong tumangka sa buhay niya.

We're on our way doon sa warehouse kung saan dinala sila Shelle. I wish to see her as soon as possible. I miss that kid.

~Drake's POV

Papunta kami sa warehouse kung saan namin natagpuan sila Shelle at Jeno. Kasama ko si Starelle dito sa kotse ko at kasunod naman namin 'yung kotse ni Harrison kung nasaan kasama niya si Joshua at Jace. Hindi ko na pinasama 'yung iba at masyadong delikado itong pupuntahan namin. Tutol nga ako sa pagsama ni Starelle e pero nagpumilit siya. Alam ko naman kung gaano niya namimiss si Shelle kaya pinabayaan ko na lang basta kami 'yung makikipaglaban at dito lang siya sa kotse hanggat hindi nakakalabas si Shelle.

Grabe pa din talaga ang galing ni Harrison sa mga ganitong paghahanap. Kung hindi niyo pa alan, si Harrison ang right hand ni Shelle noon... noong mahilig pa kaming makipaglaban sa GC. Gang city ang totoong pangalan pero mas maganda pakinggan kapag GC kaya 'yun na lang 'yung ipinangtawag namin.

Si Shelle ang tinatawag na 'Superior' noon dahil sa galing niya sa lahat ng papasukan niya, kahit ano pa 'yan. Hanggang ngayon naman, ganun pa din siya. Hindi lang niya nahahalata but because I've watched her all my life, alam ko kung ano ang kakayanan niya.

Tumunog bigla 'yung cellphone ko kaya sinagot ko agad ito, thinking it was Harrison. Pero nagkamali ako.

(Hey, babe. How's life?) This was the first time Cara had called me in years and her voice has changed a lot. Pero hindi 'yon importante ngayon. Bakit niya ako tinawagan? Ngayon pa na kasama ko si Starelle. Napasulyap ako sa kanya at nakitang nakasuot 'yung earphones niya at sinasabay pa niya 'yung kamay at katawan niya doon sa beat ng music. Hindi naman ata niya mahahalata na may kausap ako 'no? Bahala na.

"Bakit mo ako tinawagan?"

(Kailangan mo pa bang tanungin 'yan, babe? I missed you, you know?) What the fuck? Hindi pa din ba siya nagpapatingin sa mental hospital nang maayos na 'yang sayad niya sa utak? Nakakailang taon na simula nung nag-break kami. More or less, 7-8 years. Tapos hanggang ngayon pinagpipilitan pa din niya 'yung sarili niya sa akin? Tsk. Pitiful.

"Hanggang ngayon ba naman? Ano bang kailangan mo sa akin?" Diretso lang ang tingin ko sa kalsada at napasulyap ako sa side mirror ko at nakita kong nakatingin si Harrison sa akin... pero bakit masama 'yung titig sa akin ni Jace? Baka nagi-ilusyon lang ako at nagiging paranoid na sa mga nangyayari.

(Ouch naman, babe. Sige lang, ipagpatuloy mo lang 'yan. Baka hindi mo na makita 'yung princess mo. Shelle~♪ Say hi to your brother~) What the fuck?

Sabi ko na nga ba e. Siya ang may pakana nitong lahat. Buti na lang hindi niya alam na naka-record 'yung mga sinasabi niya. Kailangan ko na lang ipilit na masabi niya 'yung mga plano niya.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Nanggagalaiti na ako pero pinipilit ko pa ring kumalma. Sa lahat ng ginamit niyang patibong... bakit 'yung kapatid ko pa?

(Ku-Kuya... nasa bahay na ak-k- urgh!) Pinarada ko kaagad 'yung kotse ko sa gilid na ikinagulat naman ni Starelle. Sinapak niya 'yung kapatid ko?! Tsk.

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon