Twenty-Two: Jeno's Life.
~Jeno's POV
[ A/N: In this chapter, Jeno will be telling his 3rd year college story together with Xrizshelle. ]
When I was young, all I dreamt of was exploring the world, looking for a place where I truly belong, looking for a girl to cherish and love until my last breath. Oo, korny pakinggan but hey, I can dream all I want. It is my life, my dream.
I won't be able to count in one finger how many places I've visited as I dreamt of all those three things. And I've finally succeeded. I've found her. Xrizshelle Nicolette Zoe C. Fuentabella, her name is undeniably beautiful like her.
Ang pinakaunang beses na nakilala ko siya ay ang pinakaunang araw ko sa university na pinapasukan niya.
"Kuya, kuya! Paabot nga nun!" Napalingon ako and I swear I saw the most beautiful girl I've ever seen. Pero hindi ko na muna pinahalata at saka ko inabot sa kanya yung pencil na nahulog niya.
I've already settled in kaya nagtanong-tanong ako sa mga naging kaibigan ko kung anong pangalan niya. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya and I might sound like a stalker pero I've never felt this way before.
Simula nung araw na 'yon, madalas ko na siyang mapansin kahit pa maraming tao. Pareho kami ng class schedules t'as madalas pa kaming magkagrupo. Ang sarap pala ng pakiramdam na lagi mong nakikita yung taong nagpapasaya sa 'yo 'no? Parang panaginip na ayoko nang matapos.
"Huy! Ayan ka na naman eh, brad. Tinititigan mo na naman si ano. Di ako magtataka kung nakakahalata na 'yan. Para kang stalker eh!" Iniwas ko yung tingin ko kay Shelle nang bigla akong kalabitin ng kaibigan kong si Brick. Isa siya sa mga matatalik kong kaibigan maliban kay Grei na kababata ko at kasama ko sa paglipat-lipat ko ng school.
"Tumitig na naman ba?" Usisa ni Grei at saka napangisi. "Ewan ko sa inyo." At saka ako umalis doon pero sinundan pa rin nila ako palabas ng classroom. Ang sarap kasi niyang titigan. Para siyang anghel.
Panganay akong anak at may nakababata akong kapatid na babaeng nagngangalang Jana Cadee (kay-dee). Nasa US yung mga magulang namin kasi inaasikaso nila yung kumpanya namin na nakabase doon. Matagal na kaming hindi magkasama kaya nasanay na rin ako na ako yung tumatayong tatay ng kapatid ko. Alam naman niya yung rason kung ba't di namin kasa-kasama yung magulang namin eh.
Syempre bilang kuya niya, alam niya halos lahat ng nangyayari sa buhay ko. Ako lang naman yung lumilipat ng school, hindi ko na siya dinadamay pa. Sa kanya ko rin kasi nasasabi yung mga bagay-bagay na gusto kong ilabas maliban na lang sa mga kaibigan ko. Baka dahil sa impluwensiya ni Jana kaya ako lumaking open sa mga tao. Kaya pakiramdam ko eh sa buong tropa, ako yung pinakamadrama.
Kahit pa matagal na kaming dalawang magkasama ni Jeno eh madalas pa rin kaming hindi nagkakasundo kasi syempre babae siya at lalaki ako. Gusto ko siyang protektahan laban sa mga lalaki kasi alam ko kung paano mag-isip ang karamihan ng mga lalaki. Pero 'tong bata naman na 'to ang hilig gumala.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Teen Fiction[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...