Chapter 27

152 2 2
                                    

Twenty-Seven: The Calm Before the Storm.


~Shelle's POV 


"Hey... hey! HEY!" Natauhan ako nang may yumugyog sa akin. 


"Ikaw lang pala." Hindi niya inalis yung tingin niya sa akin. "Are you hurting somewhere? You've been spacing out since this morning. I'm worried." Umiling lang ako at saka ko siya nginitian. 


"Okay lang ako. May iniisip lang." Tiningnan niya ako ng maigi. Mukhang nahihirapan siyang paniwalaan yung sinabi ko ah? Hays. Mahirap kasi talaga pag matagal-tagal mo nang kilala, mabilis makahalata. Para siyang Rain kahit halos ilang buwan pa lang kaming magkakilala.


"I don't believe you but I won't push it because I respect your privacy. But I just have to say this, okay?" Tinanguan ko siya as if to say na ituloy niya yung sasabihin niya. "If I see this go on a little longer, I may seem like I'm already meddling but I will invade your privacy just to ensure that you're in good shape. Do you understand?" Hindi ko mapigilan yung ngiting nabuo sa mga labi ko. 


He's just too charming to resist. Tumango-tango ako at saka umiwas ng tingin. "No matter how much you hide your face, I saw your cheeks turn pink before you turned." Tiningnan ko siya ng masama na ikinatawa niya lang. 


"Hoy! Mga baluga! Dumito nga kayo at nagsosolo kayo diyan!" Napalingon kami kay Kuya Drake at Ate Star na sinesenyasan kaming lumapit.


Paniguradong hindi na naman ako tatantanan ni Ate Star. Sa ngiti pa lang niya alam ko na kung anong sasabihin niya eh. Tumayo na kami at saka dumiretso sa barbecu area. Lumapit ako kay Ate Star at si Joshua naman sa may pool area. 


"Hindi ka ba magsswimsuit?" Tanong ni Ate Star sa akin. 


"Naka-swimsuit na ako sa loob." Sagot ko. 


Lumiwanag yung mukha niya. Shemay... "Ate... alam ko kung anong tumatakbo sa isip mo! Nilalamig ako! 'Wag kang ganyan!" Dahan-dahan akong naglakad patalikod habang naglalakad siya palapit sa akin.


"Ano nga bang gagawin ko?" Binilisan ko yung lakad ko palayo, binilisan niya rin yung lakad niya palapit sa akin. "Ateeeee! Diba nag-aayos ka ng hapag-kainan?!" Natawa siya at saka tumakbo palapit sa akin kaya tumakbo ako palayo. 


Para kaming mga batang naghahabulan at paikot-ikot sa hapag-kainan at sa barbecue-han. Ang lamig naman kasi eh! Alam kong tatanggalin niya yung nakapatong sa swimsuit ko! 


"KUYAAAAA!! Ate Star's going to harass me!" Sigaw ko. Nginitian lang ako ni Kuya at pinakitaan ng dalawang thumbs-up sabay sigaw ng--"Okay lang 'yan, beh! Hindi ka naman hahalayin niyan!" Talaga namang kuya ko talaga 'yan eh! 


"Ayyyy! Walang pwedeng mang-harass kay babes except me. Bawal 'yan, Ate Star! That's cheating!" Sabay harang sa akin ni Jeno mula kay Ate Star. Napanguso lang si Ate Star at saka naglakad pabalik kay Kuya Drake at bumalik sa pag-aayos sa hapag-kainan. 

Xrizshelle | FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon