Chapter 53. Plans and promises. Everything's happening all over again.
~Rain's POV
Nagising na lang ako bigla sa tulog ko nang makatanggap ako ng tawag galing kay Ethan. Ang sarap pa man din ng tulog ko... pero bakit ganun? Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Masama ang kutob ko…
"Ethan? Ba't mo ako tinawagan? Natutulog pa naman ako," tinago ko yung asar ko sa boses ko. Narinig ko yung tuloy-tuloy niyang paghingal sa kabilang linya. Tumakbo ba 'tong lalaki na 'to? He rarely even steps a foot outside under the sun.
Paano ba naman? Hindi mahilig ng physical activities 'tong nilalang na 'to. Kung hindi lang siya magaling sa computer, nako. Walang kwenta ang lalaking 'to sa amin. Hahaha. Harsh but it's the truth.
(Si-Si Shelle...) Huh? Ano meron kay Shelle? Kinakabahan na naman ako. 'Wag mong sabihing tumakas na naman siya sa opsital!
"Anong nangyari sa kanya?" Matagal bago niya ako sinagot at halos sigawan ko na siya nang marinig ko yung gusto niyang sabihin sa akin.
Agad kong kinuha yung jacket ko at yung susi ko sa kotse. Pinaharurot ko ito sa GC kung sana kami magkikita-kita. May sarili kaming building dito since yung may-ari ng GC ay kabarkada namin kaya special treatment.
Nang makahanap ako ng parking space, nahalata ko naman agad yung mga kotse nila. I see, so ako na lang pala ang hinihintay.
Tumakbo ako sa loob at agad naman akong binati ng mga bouncer. Tinanguan ko lang sila bilang sagot dahil nagmamadali ako. Pagkarating ko sa lounge, nakapalibot silang lahat sa lamesa.
Umupo ako sa natitirang bakanteng upuan sa tabi ni Ethan at nakinig sa pag-uusap nila since wala pa akong alam sa nangyayari besides sa fact nga na nakidnap / nawawala ulit si Shelle.
"Tiningnan na namin ni Drake yung mga CCTV ng ospital. May isa kaming napansin na taong nakaitim na pumasok sa ospital... nagpalinga-linga muna ito bago dumiretso sa hallway sa labas ng kwarto ni Shelle." Sabi ni Kuya Brent. Seryoso lang siyang nakatitig sa lamesa.
"Kita dito sa CCTV yung paglabas ni Joshua at dumiretso siya sa banyo bago naglakad pabalik... all that while... pumasok na yung nakaitim na tao sa kwarto ni Shelle at matagal namin itong binantayann... pero halatang hindi lumabas yung tao." Tuloy ni Kuya Drake.
"Nang makabalik si Joshua, wala pang limang minuto ay tumunog na yung emergency siren at nagsipuntahan na yung mga doktor at nars sa kwarto ni Shelle at noong nangyayari 'yon, kinontak na din kami ni Joshua." Si Kuya Brent naman ngayon ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Novela Juvenil[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...