Twelve: Mahirap kasi.
~Jeno's POV
"Tama na 'yan, brad! Masobrahan ka pa eh!" Awat sa akin ni Grei.
"Wa-Wala ak-kong pake!" At may kasama pang hikbi. Tinabig ko yung kamay niya pero hinawakan lang niya ako at saka ako inalalayang palabas ng bar at tinulungan pa akong sumakay sa sarili kong sasakyan.
Hinayaan ko na lang siya na ihatid ako sa bahay kasi wala rin naman akong magagawa, di namang pwedeng ako yung magdrive kasi baka madisgrasya pa ako o mahuli ng pulis for drunk-driving. Saka wala na akong natitirang lakas.
Isipin man ng iba na ang bading ko para maglasing at iyakan ang isang babae, wala na akong pakialam. Eh sa mahal ko yung tao eh. Eh sa masakit eh. May magagawa ba sila sa sakit na nararamdaman ko? Wala!
~x~x~x~
"Ugh... ang sakit ng ulo ko!" Napahiga ulit ako. Tangina naman, nakakasilaw naman yung sikat ng araw! Sino ba kasing nagbukas nung kurtina?!
"Ugh..." dahan-dahan kong binuksan yung mga mata ko at saka ko 'to kinusot-kusot. Napalingon ako sa may couch ko. Dito pala natulog si Grei, di ko man lang maalala. Wala na naman akong maalala sa lahat ng nangyari kagabi. Kaya ang hirap maglasing eh, pero ginagawa ko pa rin kasi 'yon lang nakikita kong paraan para malimutan ko yung sakit na nararamdaman ko kahit ilang oras lang.
Pinilit kong tumayo at saka ako pagewang-gewang na naglakad papunta ng banyo. Naghilamos ako ng mukha para marefresh man lang ako pero sobrang sakit talaga ng ulo ko. Bibigay ako nito eh...
"Mag-iingat ka nga, 'tol! Ang gago mo lang talaga eh 'no? Tatayo-tayo ka t'as di mo rin pala kaya," inalalayan ako ni Grei papunta sa higaan at saka ako humiga.
"Humiga ka nga muna at kumain ka, pinagluto kita kanina. Palasing-lasing ka kasi, ayan tuloy napala mo." Ito na naman tayo sa sermon ni Grei. Parang nanay ko rin 'to eh. Grei North Maxfield nga pala pangalan niya, magkaibigan yung mga magulang namin kaya nagkakilala kami.
Minsan naisip ko rin na baka may gusto sa akin 'to. Nabakla na ata sa kagwapuhan ko, hindi naman ako nagugulat kasi expected ko na rin 'yon. Sa gwapo ko ba namang ito?
"Oo na po, inay." Asar ko sa kanya kaya bigla niya akong sinapak. Aba'y tangina lang niya, mukha ko pa talaga pinuntirya niya. Kahit sanay na ako sa mga gawain namin at biyolente naming paglalambing sa isa't isa, masakit pa rin syempre. Palibhasa kasi may mga black-belter kaming mga katropa na may iba't ibang alam na martial arts kaya medyo brutal sila pag inaasar namin.
"Ay, gago ka talaga 'no? Makasuntok eh!" Ininom ko na lang yung tubig na nilagay niya sa bedside table ko.
"Maka-'inay' ka! Straight ho ako, gago. Ano na naman ba kasing nangyari kay Shelle at naglasing ka? Tinawag mo pa ako nang biglaan t'as maglalasing ka lang pala. Magiging caretaker mo lang pala ako," hindi ko na napansin yung mga sunod niyang sinabi matapos yung pangalan ni Shelle. Wala talagang awa ang mga anghel sa akin eh. Alam naman nilang masakit na maalala yung mga nangyari kahapon, pinapaalala pa rin.

BINABASA MO ANG
Xrizshelle | Fin
Dla nastolatków[TAGLISH] -- Ako si Xrizshelle and I was involved in an accident that gave me amnesia... at least that's what they say. Sabi ng doktor hintayin ko na lang na bumalik ang mga memorya ko... kung babalik pa. Pero bigla na lang siyang sumulpot and then...